Construction worker na nagsasagot ng kaniyang module habang naka-break, umantig sa puso ng publiko!




Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na nais sa ating ipamana ng ating mga magulang. Para sa kanila, ito lamang ang maipapamana nila sa atin sa mundong ito na hindi mananakaw ng kahit sino man.


Kung kaya naman sa murang edad pa lamang ay sinasanay na tayong maging isang responsable at disiplinadong mag-aaral. Maraming mga kabataang Pilipino ang masipag sa pag-aaral, may pangarap sa buhay ngunit mayroon din namang iilan na tila hindi nabibigyan ng sapat na oras at atensyon ang kanilang pag-aaral dahil sa personal nilang mga dahilan o di kaya naman ay dahil sa barkado o bisyo.



Kahit pa nga walang sawang sumusuporta ang mga magulang nila sa kanila, pinansyal man na aspeto o pagdating sa mga pangaral, sadyang may mga kabataan talagang hindi pa nakikita ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Sa kabila ng katotohanang ito, may mga kabataan pa rin na nagsisilbing inspirasyon sa ibang tao tulad na lamang ng isang “construction worker” na ito.

Sa Pilipinas, isa ito sa pinakamahirap na trabaho ngunit isa rin naman ito sa may pinakamababang sahod. Ngunit kahit anong hirap at sakit pa ang maramdaman nila ay talagang patuloy pa rin silang nagsusumikap para sa maliit na kita na kailangang kailangan ng kanilang pamilya.



Ang viral post na ito ay mula kay Rael Jr Rael. Sa ibinahagi niyang larawan sa social media ay nakaupo ang batang “construction worker”sa isang timba habang nagsasagot ng kaniyang module. Ayon sa naturang post, dala-dala nito ang mga modules at sinasagutan sa tuwing “break” nila sa trabaho.



Tunay nga na walang sinasayang na oras ang batang ito dahil sa halip na mamahinga ay sinasagutan pa niya ang mga dapat niyang tapusing gawain sa eskwela sa kaunting oras ng pahinga niya sa trabaho. Hindi na nakapagtatakang maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang papuri at paghanga sa batang ito na sa kabila ng kaniyang mahirap na sitwasyon ay nagagawa pang isingit ang kanyang pag-aaral habang nagtatrabaho.





Post a Comment

0 Comments