Isang Nurse na tumulong sa isang homeless na nanganganak sa tabi ng kalsada ay ginawaran ng "Bayaning Nars" dahil sa kanyang pinakitang malasakit sa kapwa.
Nakatanggap ng pagkilala mula sa Philippine Nurses Association (PNA) ang nurse na si Mary Lorraine Pingol dahil sa pagtulong nito sa isang homeless na nanganganak.
Isa si Pingol sa napili ng ahensya na parangalan bilang “Bayaning Nars” kung saan kasama niya ang 11 pang nurse na nagbuwis naman ng kanilang buhay dahil paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa PNA, nagpakita si Pingol ng katapangan, professionalism, caring at integrity dahil sa kaniyang ginawang pagtulong.
Ang kabayanihan nito anila ay isang ehemplo at inspirasyon sa mga taong gustong tahakin ang propesyon ng pagiging nurse.
Source: Noypi Ako
0 Comments