PANOORIN! | Matandang Gumagawa ng Payong, Kumakayod pa rin sa Gitna ng Pandemya Katuwang ang mga Alagang Aso



Isang matandang lalaki ang matyagang naghahanapbuhay sa gitna ng pandemya katuwang ang kanyang mga alagang aso sa pagbubuhat ng kanyang mga gamit.

Hindi alintana ang init ng sikat ng araw pati na ang takot na mahawaan ng virus, nilalakbay ng isang tatay ang mga kalye ng Tacloban City sa Bacolod para mag-ayos ng mga sirang payong.


Bawat isa sa kanila ay may kariton at lulan nito ang mga sirang payong at mga gamit niya sa pag-aayos. Napakabait at masunurin ng mga ito. Nauuna silang maglakad na para bang alam nila kung saan patungo. Nasa likuran naman palagi si tatay dahil hirap siyang maglakad. Mukhang nagkaroon siya ng stroke kaya mabagal na siyang maglakad. Kapag tumitigil si tatay at sinasabihan niya ang mga alaga niya, agad silang humihinto at pinupuntahan siya.






Hulyo nang unang maibahagi ni Argem Grace Anne Orcado sa social media si tatay nang ipinaayos niya ang tatlong payong. Bukod kasi sa pursigido si tatay na maghanapbuhay, kamangha-mangha rin ang mga kasama niyang aso na tumutulong sa kanya.



Napapalingon ang lahat kapag nakikita silang naglalakad sa daan. Teamwork kumbaga ang ipinamamalas nilang tatlo.

Oktubre nang muling pinag-usapan si tatay sa social media dahil naibahagi ito ni Mary Jane Sabalsa Luceño. Kuwento niya, nakita niya si tatay sa downtown area ng Tacloban. Para sa kanya, ito raw ang mga taong dapat tinutulungan.


Dagdag pa niya, nagbigay raw ng inspirasyon si tatay at mga alaga nito. Dahil nahabag siya sa kaawa-awang kalagayan ni tatay, nagpaabot siya ng konting tulong.



Sa katunayan, delikado para sa kanilang tatlo ang paglalakad sa mga highway. Kuwento ni Tallecer C. Diza, minsan na raw nahagip ng sasakyan ang aso pati na mga payong.

Nasaan na nga ba ang pamilya ni tatay at saan siya nakatira?



May kamag-anak naman daw siya. Sa isang post ng Talk Locals Burauen tungkol kay tatay, nagkumento si Richelle Rom na kapatid daw ng lolo niya si tatay. Gusto sana nilang alagaan na lang siya para hindi siya palaboy-laboy ngunit ayaw niya raw mamalagi sa bahay dahil malakas pa raw siya.

Marami ang gustong tumulong kay tatay. Sa video ni Jake Tatoy, makikitang marami ang naghahagis sa kanya ng pera habang naglalakad siya sa daan.

Mukhang nag-eenjoy naman si tatay sa kanyang ginagawa. Ayaw niya lang siguro umasa sa iba upang mabuhay.

Sana’y ingat kayo parati ng mga aso mo, tay. Marami ang nag-aalala sa’yo.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments