Pinay na nabigo sa 14 niyang mga negosyo noon, nakapag-imbento ng leche flan at milyonaryo na ngayon!




Sa panahon ng pandemya, napakaraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho. Walang may gusto ng mangyari ito ngunit kinakailangan itong gawin ng maraming mga kompanya at establisyemento upang kahit papaano ay maisalba pa kung anong mayroon sila.


Upang hindi tuluyang malugi ang mga kompanya ay ganito na lamang ang kanilang naging desisyon. Dahil na rin sa pangyayaring ito ay napilitang humanap ng ibang trabaho ang marami sa atin.




Hindi naging madali ang pamamaraang ito upang muling kumita ng pera pangsuporta sa ating mga pamilya ngunit mayroon din namang ilan sa atin na nagtagumpay. Halimbawa na lamang ang Pilipinang ito na nakilala sa pangalang Princess San Diego.


Halos lahat na yata ng negosyo ay napasok na niya. Nakapagbenta na siya ng mga “gadgets” online, nagbantay ng tindahan ng mga barbecue, at nagbukas ng sariling kainan ngunit lahat ng ito ay hindi naging matagumpay.



Taong 2016 nang maranasan niya ito sa kaniyang buhay. Kahit pa lugmok na lugmok na ay nanatili pa rin siyang positibo sa buhay.


Nakahiligan niyang gumawa ng mga masasarap na desserts noon na madalas niyang ibinabahagi online. Marami sa kaniyang mga kaibigan ang nagtatanong tungkol dito kung kaya naman naisipan na niyang gawin itong negosyo.



Noong una ay Php1,000 lamang ang kaniyang kapital kung saan nakagawa siya ng 25 tin can ng matcha-flavored leche flan. Php150 kada isa ang benta niya na agad namang naubos. Wala pang isang linggo ay naging triple na ang kaniyang puhunan.


Marami na ang tumangkilik sa kaniyang produkto kung kaya naman kumikita na siya ng Php20,000 sa loob lamang ng isang linggo. Para naman hindi magsawa ang kaniyang mga mamimili ay gumawa pa siya ng ibang mga “flavors” tulad na lamang ng coffee milk tea, tiramisu, dalgona avocado gelato, Peruvian flavored flan, caramel, at nagkaroon din siya ng iba’t-ibang flavor sa iisang tin can lamang na talagang patok na patok sa publiko.








Post a Comment

0 Comments