Babaeng sinasagip ng isang gwapong rescuer, abot tenga ang ngiti at sobra ang kapit sa lalaking sumasagip sa kanila!





Nakasanayan na natin ang pagkakaroon ng malalakas na bagyo sa ating bansa dahil sa tag-init at tag-ulan na panahon lang naman ang mayroon tayo dito sa Pilipinas. Kumpara sa ibang mga bansa na mayroong higit pa sa dalawang mga uri ng season o panahon.



Ngunit kahit gaano pa tayo kasanay sa ating panahon dito sa bansa ay mayroon pa rin talagang mga pangyayari na hindi natin inaasahan tulad na lamang ng mapaminsalang bagyo. Nito lamang Nobyembre 12 ay talagang nabalot ng takot ang maraming mga sambahayan sa iba’t-ibang panig ng bansa dahil sa naging matinding hagupit ng bagyong Ulysses sa mga siyudad ng Maynila at mga kalapit probinsiya.

Talagang lubog ang maraming mga kabahayan at maraming mga pamilya ang nawalan ng kanilang mga tirahan. Napakarami ding mga puno ang natumba, mga kawad ng kuryente na nasira at mga lupang gumuho dahil sa naturang bagyo.



Talaga namang hindi naging madali ang pangyayaring ito lalo na sa ilang mga taong kinailangan ding lumikas mula sa kanilang mga tahanan para masiguro ang kanilang kaligtasan. Nakakalungkot, nakakabahalat at talaga namang nakakatakot ang pangyayaring ito.

Ngunit talaga namang hindi pa rin mawawala ang likas na ugali ng mga Pilipino, ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Kamakailan nga lamang ay mayroong isang larawan ng babaeng sinasagip mula sa matinding baha ngunit kapansin-pansin ang malaking ngiti sa kaniyang mga labi habang nakayapos sa isang gwapong lalaki na tila ba isang rescuer.



Umani ng maraming mga komento mula sa publiko ang naturang babae. Marami ang talagang natuwa sa kaniyang reaksyon dahil sa talaga namang makisig at gwapo ang lalaking nagligtas sa kaniya.

Ayon din sa larawang ito na kumakalat, sa San Ildefonso. Bulacan pala nangyari ang pagrerescue na ito dahil sa matinding baha. Sino ba naman ang mag-aakala na sa kabila ng mahirap at nakakatakot na sitwasyong ito ay magkakaroon pa rin tayo ng dahilan upang ngumiti at kahit papaano ay makalimot sa ating mga suliranin kahit sa maikling sandali lamang.








Post a Comment

0 Comments