Batang lumaban sa cycling kahit luma at sira ang kaniyang bisikleta, nakatanggap na sa wakas ng bago niyang bisikleta!





Viral ngayon sa social media ang kwento ng batang lalaki na ito na nakilala bilang si Pich Pheara. Kahit kasi hindi ganoon kalaki at hindi ganoon kaganda ang kaniyang bisikleta ay hindi pa rin ito nagpatinag na sumali sa isang kompetisyon.



Mahirap lamang kasi sila at nakatira sila sa isang barong barong sa Prek Ta Kong village, Prek Tasek district, Chroy Chongva district, Phnom Penh. Maraming mga netizens ang naantig sa kaniyang kwento dahil hindi ito agad na sumuko sa buhay.



Kung ang ibang tao ay magmumokmok na lamang at mawawalan na ng ganang gawin ang kanilang interes, para sa batang ito ay mas nagpursige pa siya. Masaya siyang lumahok sa isang “cycling event” kahit pa nga hindi siya nagwagi rito.

Makikita sa mga larawan niya na gamit gamit niya ang kaniyang bisikleta sa naturang kompetisyon. Dahil dito ay maraming mga tao ang nagnais na tulungan siya. Isa na sa mga ito si Lang Tyleang.




Nagbahagi ito ng ilang mga larawan ng bata at isa sa mga ito ay ang pagbibigay niya ng isang bago at napakagandang bisikleta. Ayon sa naging caption niya ay natagpuan na niya ang batang lalaki at binigyan niya ito ng bisikleta dahil sa kaniyang pagsusumikap, determinasyon at magandang pag-uugali.

Umani ng maraming mga komento mula sa publiko ang ginawang pagtulong na ito ni Lang Tyleang. Tunay nga na hindi ka dapat magpapigil o magpa-apekto sa kahirapan lalo na kung mayroon ka talagang gustong gawin o makamit sa buhay.




Hindi madali ang mga pagsubok, sakripisyo at paghihirap na maaari mong kaharapin, bata ka man o matanda ngunit talagang nakakabilib na sa murang edad ay marami nang magagandang katangian si Pich Pheara. Tiyak na mas maraming mga Pilipino lalo na ang mga kabataan sa ating bayan ang magsusumikap na makamit ang kanilang mga pangarap kahit gaano pa kadami ang mga hadlang na nakikita nila sa pag-abot ng mga ito.





Post a Comment

0 Comments