Catriona Gray sa Colombia, pinagmalaki ang napakagagandang mga gowns na suot niya gawa ng mga Pinoy designers!





Si Catriona Elisa Magnayon Gray o mas nakilala sa buong mundo bilang si Catriona Gray ay 26 na taong gulang na Filipino-Australian model, singer, at beauty pageant titleholder. Siya ang kinoronahang Miss Universe noong 2018.



Siya ang ikaapat na Pilipinang nag-uwi ng karangalan sa bansa sa naturang international competition. Kamakailan lamang ay napukaw na naman niya ang atensyon ng maraming mga netizens dahil sa pambihira niyang kagandahan at sa napakaganda niyang mga gowns na gawa pala lahat ng mga Pinay designers!



Dumalo kasi siya noon sa Miss Universe Colombia 2010 kung saan siya naging isa sa mga hurado. Ang nagwagi sa naturang patimpalak ay walang iba kundi ang pambato ng Blivar, Columbia na si Laura Olascuaga.
Siya na nga ang magiging kinatawan ng bansa sa nalalapit na Miss Universe 2020. Bumida din si Catriona sa cover ng La Verista Actual magazine at talaga namang bumuluga sa publiko ang pambihirang disenyo ng Pinoy designer na si Leo Almodal.

Agaw-pansin din ang mga gowns na isinuot ni Catriona tulad na lamang ng “hand-made embroidered saguisag suit” na nilikha naman ng isa ring Filipino designer, si Frederick Berches. Hindi na nga napigilan ng marami niyang mga tagahanga ang magkomento at mag-react sa kaniyang mga social media posts.



Tunay ngang wala pa ring kupas ang angkin niyang kagandahan. Blooming na blooming siya lalo ngayon dahil sa matamis niyang buhay pag-ibig kasama ang kaniyang kasintahan na si Sam Milby. Hindi lamang maganda, seksi at matalino si Catriona dahil sa labis labis din ang pagmamahal nito sa mga bata dahilan upang pangunahan niya ang ilang mga charity event tulad na lamang ng “Smile Train Organization” na nagbibigay pag-asa sa mga batang mayroong “cleft palate” na mabago pa ang kanilang buhay at ang kanilang mga ngiti.




Tunay ngang isa siyang magandang ehemplo para sa maraming mga kababaihan na hindi lamang nagmamahal sa kanilang sarili kundi maging sa mga tao sa kanilang paligid.





Post a Comment

0 Comments