George Clooney ibinunyag na minsan na niyang binigyang ng $1M cash ang 14 na pinakamalapit niyang mga kaibigan!





Si George Timothy Clooney o mas tumatak sa kaniyang mga tagahanga bilang si George Clooney ay 59 na taong gulang na American actor, film director, producer, at screenwriter. Dahil sa pagiging mahusay niyang aktor ay nakatanggap na siya ng tatlong “Golden Globe Awards”, dalawang “Academy Awards”.



Taong 2018 naman ng matanggap niya ang “AFI Lifetime Achievement Award”. Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang naging pag-amin ng aktor sa isa sa kaniyang mga interview patungkol sa diumano ay pagbibigay niya ng $1M cash ang 14 na pinakamalapit niyang mga kaibigan!

Ayon sa naging panayam sa kaniya ng GQ, inamin ni George na naisipan niya ito noong Setyembre 2013 kung kailan ipinalabas ang pelikula niyang “Gravity”. Talaga namang kumita ng malaki ang proyekto niyang ito kungh kaya naman porsiyento ang naging basehan ng kaniyang dito kasama ang kaniyang co-star na si Sandra Bullock.



Ayon pa sa aktor, simple lamang ang kaniyang dahilan kung kaya naman binigyan niya ng malaking halaga ng pera ang kaniyang mga malalapit na kaibigan. Sila daw kasi ang kaniyang karamay noong kailangan niya ng masasandalan, noong mga panahong hindi pa siya matagumpay ay madalas na nakikitulog siya sa mga bahay nila, umuutang sa kanila noong walang wala siyang pera at siyang tumulong sa kaniya sa lumipas na mga taon.

“We’re all good friends. And I thought, you know, without them I don’t have any of this. And we’re all really close, and I just thought basically if I get hit by a bus, they’re all in the will. So why the f— am I waiting to get hit by a bus?” Pahayag pa ng aktor.




Noong una ay hindi pa niya alam kung paano niya mailalabas at maibibigay sa kaniyang mga kaibigan ang ng $1M cash kung kaya naman pinag-isipan niya ng husto ang kaniyang naging diskarte. Nang maingat na niyang naihanda ang mga pera ay naghanda rin siya ng isang espesyal na dinner kung saan inimbita niya ang kaniyang 14 na malalapit na mga kaibigan.

Dito na nga niya sinorpresa ang mga ito ng $1M cash para sa bawat isa sa kanila. Ito raw ang munting pamamaraan niya upang kahit paano ay maibalik sa kaniyang mga kaibigan ang pagmamalasakit at pagtulong na ibinigay nila sa kaniya noon.








Post a Comment

0 Comments