Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang mga panibagong batas na pinatupad nitong mga nagdaang buwan. Isa na marahil dito ang mga bagong sistema kung paano makakuha ng lisensiya sa pagmamaneho.
Marami nga ang nagtatanong kung bakit naging napakamahal na at talagang mahirap ang pagkuha ng lisensiya. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Bryan Gonzaga Sahagun ang naging karanasan niya sa pagkuha ng kaniyang “driver’s license”.
Siya ay nag-apply ng “Non-Pro A/T car driving”. Bilang panimula ay nilinaw niyang maaaring mag-iba ang presyo o halaga ng ilan sa mga gastusin niya dahil sa madalas ay nakadepende sa Driving School at branch ng LTO ang mga kailangang bayaran.
Unang hakbang na kaniyang ginawa ay ang “15 Hours Theoretical Driving Course” kung saan siya gumastos ng Php1,800 sa A1 Driving School. Kasunod nito ay ang “written exam” na mayroong 100 items.
Ikatlong hakbang naman ang “Student Permit Application” kung saan gumastos siya ng Php450 para sa medical at Php418 naman para sa “Student Permit Fee”. Sunod naman ay ang “8 Hours Practical Driving Course”.
Ang naging gastos naman niya rito ay Php7,520 para sa “8 Hours Practical (for A/T)” at “Certificate Printing” naman ssa halagang Php200. Huling hakbang naman ang “Non-Pro License Application” kung saan niya ipinasa lahat ng mga dokumentong kaniyang pinagkagastusan.
Inilahad din ni Bryan ang mga checklist na kaniyang sinunod ng maigi. Ito ang mga sumusunod “Docs Checking”, “Public Portal Registration”, “Payment for Computerized Exam”, “Biometrics/Photo/Sig”, “LTMS Exam”, “Actual Driving Test”, “Payment for Driver’s License”, at “Releasing”. Ang kaniyang naging gastos ay Php100 para sa Computerized Exam, Php585 para sa “Non-Pro Application” at Php250 para sa “Actual Driving Test” dahil sa hindi niya dala ang kaniyang sasakyan.
Ang lahat ng kaniyang nagastos ay nagkahalaga ng Php11,223. Talaga namang napakamahal at napakahirap ngang kumuha ng lisensiya upang makapagmaneho. Ngunit wala rin naman tayong magagawa kundi sundi ang nararapat lalo na ang mga bagay na itinalaga na mismo ng batas.
0 Comments