Palaboy na May Sakit na Down Syndrome, Binugbog ng Ilang Kabataan Nag-iinuman


Isang palaboy na may Down Syndrome ang binugbog ng ilang kabataan at yung isang kabataan ay kamag-anak ng Pulis doon kaya ipinasa na lamang sila sa barangay at doon magreklamo.

Ayon sa Post ni Ramel Motita, kinupkop nya si Jestoni Fanugon na 26-anyos na ma Down Syndrome at nang nakalabas ito ay binignog ng ilang kabataan at nang umuwi ito ay puro sugat na at dugo.


Agad nag-Compalint sa mga Police si Ramel para mapanagutan ng mga kabataan ang ginawa nila kay Jestoni ngunit sila pa umano ang may balak mag Complaint dahil kapatid pala ng isang retired Col ang isa sa bumugbog kay Jestoni at may anak na lawyer.


Nang nalaman ng mga Pulis na may sakit na Down Syndrome si Jestoni ay inilipat ang kanilang reklamo sa barangay para dito mapag-usapan.

Ngunit walang gustong maging testigo dahil retired Col. at Lawyer ang mga kamag-anak ng nambugbog kay Jestoni.

Humihingi ng tulong si Ramel para mabigyan ng hustisya ang ginawang pambubugbog kay Jestoni at mahanap na din ang mga magulang nito.


Narito ang kabuuang post ni Ramel Motita sa kanyang FB account,

Siya si Jestoni Fanugon, isa siyang palaboy na nakiusap makituloy noong lockdown dito sa caloocan, hindi ko na siya hinayaan umalis pagkatapos nang lockdown nang mapansin kong may down syndrome siya, 26 yrs old na siya pero yong isip niya nasa 14 yrs old lang, dati pala siyang nagtitinda nang pritong manok sa labas nang compound namin sa may kalsada, pinaalis pala siya nang naging amo niya nong lockdown, kaya nakiusap siya akin na makituloy, marami akong adjustment na ginawa para lang maparamdam sa kanya ang pag unawa sa kalagayan niya,


Noong November 1,2020 naaya siyang uminom sa isang kainan dito sa labas nang compound, ayon sa salaysay nang mga nambugbog sa kanya, kinain daw yong pulutan nila kaya sila nagalit, katuwiran naman ni jestoni, hindi raw kasi dapat ipinag dadamot ang pagkain, sa kalagayan niyang may down syndrome, sana ipinatawag na lang ako at pinabayaran na lang o pinapalitan na lang sa akin yong kinaing pulutan.. hindi naman sana nila binugbog dahil kahit palaboy lang yan, inalagaan ko na yan, kinupkop ko, binihisan, pinakakain ko kung ano yong gusto niyang kainin, binilan ko nang tatlong tablet para hindi na lumabas nang bahay.



Natakasan ako dahil sa sobrang busy ko kaya nakalabas nang bahay, kaya laking gulat ko nang umuwing duguan, hindi na ako nagtanong nagpunta na agad kami sa police station, doon ko lang nalaman na ang nambugbog pala ay yong kapatid na lalaki nang isang retired col, na may anak na lawyer, at sila pa yong gustong mag complaint sa police, talaga lang halata sa pananalita ni jestoni yong kanyang kalagayan kaya naniwala sa akin yong mga police na may down syndrome talaga ito, ibinigay sa barangay namin yong problema.



Sa ngayon dahil sa kapatid na retired col, at pamangking lawyer, walang gustong mag witness para kay jestoni, kailangan daw naming pumila sa clinic para sa neuro ni jestoni dahil mahigpit daw ngayon ang mga hospital sa pag tanggap nang pasyente dahil sa covid.. para sana maipakita yong mental health niya.. dahil sa pambubugbog, nakakaranas siya ngayon nang pagkahilo at pagsakit nang ulo, sana kung sino man yong nakakakilala sa kanya ipagbigay alam niyo lang sa nanay niya at mga kapatid niya ang kalagayan niya ngayon.. sana tulungan niyo din ako na magkaroon ito nang hustisya kahit sabihin pang hindi natin ito ka dugo, wala siyang kakayanan na ipagtanggol niya sarile niya, dahil sa kalagayan niyang down syndrome.. salamat po sa inyo.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments