Madalas ba ninyong naririnig ang mga tao sa inyong paligid na nagsasabing “Ano ba namang buhay ‘to!”, “Malas na buhay ‘to!” at marami pang mga salita patungkol sa pagkayamot nila sa takbo ng kanilang buhay? Hindi ito maiiwasan ng marami sa atin ngunit hindi dapat natin makalimutan na kung maraming mga tao ang nagnanais na magkaroon ng buhay na mayroon ka kahit gaano mo pa ito kinaiinisan at madalas gustong sukuan.
Mayroon tayong mga kakilala na masaya at tila kuntento na sa kanilang buhay ngunit sa kabila nito ay nagagawa pa rin nilang magreklamo paminsan-minsan. Marahil ay dahil lang talaga sa hirap at sa pagsubok na kanilang pinagdaraanan.
Marami din naman sa atin ang kahit pa gaano kahirap ang sitwasyon ay pinipilit pa ring magpakatatag at lumaban sa buhay. Ang mga taong ito ay kadalasang nakakaranas ng malulubhang karamdaman, may mga taning na ang buhay at sinabihan na ng kanilang mga doktor na wala nang pag-asang mabuhay pa ng matagal.
Ngunit madalas ay pinaniniwalaan pa rin ng mga taong ito na ang Diyos lamang ang may hawak ng kanilang buhay at Siya lamang ang mayroong kakayanan na bawiin ito dahil Siya naman talaga ang nagpahiram nito sa atin. Isang napakagandang kwento ang ibinahagi ng isang kanser survivor noon dahil makalipas ang sampung taon ay nagawa pa niyang tuparin ang kaniyang pangarap na maging isang lisensyadong doktor!
Taong 2010 nang matuklasan ni Melvin Rey De Jesus at ng kaniyang pamilya na mayroon nga siyang “non-Hodgkin’s lymphoma”. Sumailalim siya sa “chemotherapy” at sampung taon nang nasa “remission stage”.
Ayon sa naging panayam sa kaniya ng CNN Philippines, ibinahagi ni Melvin na “lifelong dream” niya ang pagiging isang doktor. Taong 2005 nang pumasa siya sa “nursing licensure exam” at noon pa man ay gusto na niya talagang mag-aral ng medisina.
Hindi man siya kayang pagtapusin ng kursong medisina ng kaniyang mga magulang ay nagsumikap siya ng husto kung kaya naman sampung taon ang nakalipas mula nang magkaroon siya ng malubhang karamdaman ay ganap na siyang doktor ngayong 2020. Talaga namang kamangha-mangha, hindi ba?
Source: CNN Philippines
0 Comments