JM De Guzman, isa nang ganap na sarhento ng Air Force!





Si Juan Miguel Gob de Guzman o mas nakilala ng publiko bilang si JM de Guzman ay 32 taong gulang na aktor at mixed martial artist. Isa rin siyang modelo at mang-aawit.

Photo Credit: 1migueldeguzman instagram



Marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya hindi lamang sa angkin niyang kagwapuhan at kakisigan kundi dahil na rin sa pagiging mahusay niyang aktor ng kaniyang henerasyon. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nasorpresa dahil sa natapos na pala niya ang kaniyang “military training” at isa na siyang ganap na sarhento ng Air Force.

Photo Credit: 1migueldeguzman instagram



Nagbahagi ng ilang mga larawan ang aktor ng kaniyang pinagdaanan sa halos walong buwan niyang pagsasanay. Ayon sa kaniya ay hindi naging madali ang kanilang mga pagsasanay lalo na sa responsableng paghawak at paggamit ng iba’t-ibang uri ng mga baril.

Photo Credit: 1migueldeguzman instagram



Mas naging mataas pa lalo ang kaniyang respeto at pagtingin sa ating mga sundalo ngayon dahil sa matinding pagsasakripisyo at paghihirap na kanilang ginagawa para sa ating bayan. Siya nga ay isa nang ganap na “reservist” at ayon sa kaniya ay handang handa na siyang protektahan ang ating bayan.

Photo Credit: 1migueldeguzman instagram




Ibinahagi din niyang minsan na siyang nadapa, nagkamali at tila nawalan ng direksyon ang kaniyang buhay. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang kaniyang naging kondisyon na “nap panic disorder” ngunit ang lahat ng ito ay nagbago nang mapabilang siya sa mga nagpa-enlist sa “Philippine Air Force, Special Basic Citizen Military Training”.

Katulad ni JM ay AFP reservist na rin ang ilan pang mga celebrities tulad na lamang nina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Rocco Nacino, Gerald Anderson, Arci Muñoz at Winwyn Marquez. Aminin man natin o hindi, noon ay tila binabalewala lamang natin ang mga pulis, sundalo, mga nars at doktor na tumutulong sa atin at sa ating mga kababayan.

Photo Credit: 1migueldeguzman instagram

Hindi natin alintana ang hirap, pagod at sakripisyo nila sa araw-araw. At ngayon nga na naranasan natin ang pandemya sa ating bansa mas marami nang mga Pilipino ang nakakita ng kanilang kahalagahan at mas marami na rin ang mas tumataas pa ang respeto sa kanila dahil sa kabayanihang kanilang ginagawa para sa ating bayan.






Post a Comment

0 Comments