Isang pulis ang nagsagip ng dalawang babaeng nalulunod matapos nitong marinig na may nagsisigawan at humihingi ng tulong.
Ayon sa post ng HCA Production, nagpapatrolya ang pulis na si Patrolman Rey Manandeg ng Tourist Police, Lingayen Baywalk, Lingayen, Pangasinan na nagsagip at gumawa ng kabayanihan sa dalawang babae na nalulunod.
Hindi nagdalawang isip si Rey Manandeg na suungin ang malakas na alon ng dagat upang mailigtas ang dalawang babaeng nalulunod sa nasabing beach sa Pangasinan.
At sa kabutihang palad naman ay walang masamang nangyari sa kanila at ligtas na nasagip ng pulis ang dalwang babae.
Narito ang kabuuang post ng HCA Production,
Kung may isang Pulis na dumungis sa Hanay ng PNP at tumapos ng dalawang buhay, may Isa namang Pulis ang nagligtas ng dalawang buhay sa bingid ng kama.tayan.
Sya si Patrolman Rey Manandeg ng Tourist Police, Lingayen Baywalk, Lingayen, Pangasinan.
Isang kabayanihan ang kanyang ginawa nang mailigtas nya ang dalawang babae na muntikan ng malunod sa Lingayen Beach.
Ayun sa kanya, habang sya at nagpapatrolya ay nakarinig sya ng mga sigawan na humihingi ng tulong, di na ito nag dalawang isip at agad nyang nilanggoy ang dalawang babaing nalulunod sa gitna ng lakas at laki ng mga alon. At sa kabutihang palad at pareho naman nya itong naisalba.
Source: Noypi Ako
0 Comments