“Asia’s Nightingale” Lani Misalucha, tatlong buwang nanirahan sa bahay ng Wowowin host na si Willie Revillame!





Si Lani Bayot Misalucha o mas nakilala ng marami bilang si Lani Misalucha ay 51 taong gulang na mang-aawit na nakilala sa kaniyang mahusay na pag-awit ng “pop”, “rock”, “jazz”, “soul”, “rhythm and blues”, at “operatic arias”. Dahil sa pambihirang talento niyang ito sa pag-awit ng kahit anong genre ng musika ay kinilala siya ng “MTV Southeast Asia” bilang “Asia’s Nightingale”.

PHOTO/S: SCREEN GRAB FROM WOWOWIN / TUTOK TO WIN, GMA-7



Siya ay kasal sa kaniyang mister na si Noli Misalucha at biniyayaan sila ng dalawang mga anak, sina Lian at Louven. Ayon sa ilang mga ulat, Oktubre 2020 ay nagkasakit ang mag-asawa na naging dahilan upang mabingi at hindi na makarinig pa ang kanilang kanan na tenga.

Marami ang nagulat sa balitang ito dahil sa noon pa man ay bahagi na ng kanilang buhay ang musika. Hindi naging madali ang simula at pagtatapos ng taong 2020 sa pamilya ni Lani dahil sa gitna ng pandemyang COVID-19 ay kinailangan niyang makitira sa isa sa mga bahay ng Wowowin host na si Willie Revillame.





Tatlong buwan din silang nanirahan dito kasama ang kaniyang mister na si Noli.




“Three months kaming nag-stay sa bahay niya. Nakakatuwa yang tao na yan. He’s very generous and caring,” Pagbabahagi ni Lani sa “Cabinet Files”.



Tunay nga na likas na para kay Willie ang pagtulong sa kaniyang kapwa, ordinaryong Pilipino man o mga sikat na personalidad na nangangailangan ng kaniyang tulong ay hindi siya nagdadalawang-isip na tulungan ang mga ito sa abot ng kaniyang makakaya. Sa pagdiriwang niya ng ika-60 taon niyang kaarawan sa darating an Enero 27 ay wala pa siyang pinaplanong kahit anong preparasyon dahil ayaw niyang magsaya sa gitna ng mahirap na pagsubok na ating kinakaharap hanggang sa ngayon.




Ang nais na lamang niya ay magkaroon ng simpleng selebrasyon para sa nalalapit niyang kaarawan. Tunay nga na maraming nagmamahal at sumusuporta kay Willie na kahit napakayaman na ay hindi pa rin nakakalimot mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.





Post a Comment

0 Comments