Isa ka rin ba sa mga taong nahihilig at nahuhumaling ngayon sa social media platform na TikTok? Talaga namang isa ito sa pinakakilalang app ngayon sa bansa. Mas lalo pa itong nakilala nang magsimula ang pandemya sa bansa dahil mas maraming mga tao ang nasa loob na lamang ng kanilang mga tahanan.
Upang mabawasan ang kanilang pagkainip ay madalas nilang ginagamit ang app na ito upang sumayaw, kumanta o di kaya naman ay upang kumuha ng ilang mga videos at larawan. Kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal ang balita tungkol sa isang 10 taong gulang na batang babae ang natagpuan na lamang na wala nang buhay sa loob ng kanilang paliguan matapos niyang gawin ang isang challenge sa TikTok na “Black Out Challenge”.
Ang pamilya ng bata ay nakatira sa Silicy, Italy. Sa naturang challenge ay kinakailangang sakalin ng user ang kaniyang sarili hanggang sa mawalan na siya ng malay at tuluyang nang mag-black out.
Ang batang ito ay nakilala bilang si Antonella Sicomero. Hindi inaasahan ng kaniyang pamilya na ang apat na taong gulang niyang kapatid ang makakakita sa walang buhay niyang katawan sa kanilang paliguan habang hawak nito ang kaniyang cellphone.
Agad agad namang ipinaalam ng nakababatang kapatid ni Antonella ang nangyari sa kaniyang ate. Sinubukan nilang isugod sa ospital ang bata ngunit hindi na ito umabot pa nang buhay dahil sa idineklara na itong walang buhay.
Nagpahayag naman ng kanilang pakikiramay ang TikTok sa pamilya ng bata. Ngunit hindi pa rin matanggap ng mga magulang ni Antonella na nawala ang kanilang anak dahil lamang sa challenge na ito.
Dahil na rin sa nangyari ay napagdesisyunan nilang i-donate na lamang ang ilang mga organs niya sa mga mas nangangailangan. Sa paraang ito ay maaari pa rin nilang makita ang bahagi ng kanilang anak na lumisan ng maaga at talagang hindi nila inaasahan.
0 Comments