Ogie Diaz ibinahagi sa publiko na kaya naman talagang maging isang tunay at responsableng lalake ng isang tao sa kaniyang pamilya sa kabila ng pagiging bakla niya!





Marami nang naging pagbabago ngayon sa ating kapaligiran. Hindi lamang sa mga modernong teknolohiya sa ngayon kundi maging sa kaisipan ng maraming mga Pilipino at iba pang tao sa buong mundo.

Kung noon ay maraming tao ang hindi tumatanggap sa mga bakla at tomboy ngayon ay mas tanggap na sila ng publiko. Inalala pa nga ng isang sikat na komedyante, aktor, at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang kaniyang naging karanasan noong kaniyang kabataan.



Image by Ogie Diaz via Facebook

Pito silang magkakapatid at talagang malaking usapin sa kanilang kamag-anakan ang pagiging isang bakla sa kanilang pamilya. Kung kaya naman natutunan niyang kumilos ng maayos kahit pa nga batid niya na sa kaniyang sarili na hindi siya katulad ng iba pang mga batang lalaki sa kanilang pamilya.




Ginawa niya ang kaniyang makakaya upang irespeto pa rin siya ng mga tao sa kanilang paligid. Ayaw niya kasing masabihan nang “malas” siya o isang kahihiyan sa kanilang pamilya.




Ayaw niyang tuksuhin o asarin siya ng kaniyang mga kalaro, kaklase at mga kapatid kung kaya naman naging isa siyang bakla na mayroong mataas na pangarap sa buhay. Kahit pa nga bakla siya ay hindi naging dahilan ito upang mabawasan ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya.



Image by Ogie Diaz via Facebook




Sa ngayon ay hindi lamang siya isang mabuting asawa sa kaniyang misis na si Georgette del Rosario kundi isa rin siyang responsableng ama para sa kaniyang limang mga anak sa loob ng higit sa 20 taon! Dagdag pa ni Ogie, labis siyang pinagpala ng Diyos dahil sa binigyan siya ng isang napakagandang pamilya na makakasama niya sa kaniyang buhay.

“Ibinigay na lang sila sa akin ng Diyos kahit hindi naman ako super perfect at may mga kagagahan pa din sa buhay,” Pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang social media post.

“Gusto sigurong sabihin ni Lord, ‘Bibigyan kita ng babaing siyang magsisilbing patunay na kaya mong maging lalake sa tunay na kahulugan ng salitang lalake,’” dagdag pa niya.

Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments