Pagkuha ng “student permit to non-pro license” umabot na ng higit sa Php10, 000 ayon sa isang netizen!





Ibinahagi ng isang netizen na nakilala sa pangalang George Neil Mendoza ang lahat ng naging gastos niya sa pagkuha ng kaniyang driver’s license. Ayon sa kaniyang social media post ay magkakaiba ng gastos depende sa sasakyan na imamaneho.

Photo credit: George Niel Mendoza



Kung ikaw ay kukuha ng student permit makalipas ang Agosto 3, 2020 ay tiyak na sa bagong sistema ka na mapapabilang. Inisa-isa niya the rin ang mga kailangang dokumento upang makakuha ng student permit.

Halagang Php550 para sa medical kasama na dapat ang “blood type”, Php2, 050 naman ang inabot ng kaniyang 15 oras na Theoretical Driving Course o TDC na bagong “requirement” ng LTO, 317.63 student permit. Kailangan ding magdala ng orihinal na kopya at xerox copy ng “PSA birth certificate”.




Photo credit: George Niel Mendoza




Gayundin naman ay orihinal at xerox copy ng isang valid ID. Dagdag din ng netizen na ang halaga ng TDC ay nakadepende sa driving school na iyong mapipili.
Mayroong nasa halagang Php1, 500 lamang na pinakamababa nang fee dahil umaabot talaga ito hanggang Php2, 100. Ang TDC na ito ay mayroong seminar na hahatiin sa 3 araw. Maglalaan sila ng 5 oras kada session.



At isang araw pa ang ilalaan para sa “examination day”. Maaaring pumili ng online TDC seminar na sa Zoom ginaganap habang ang iba naman ay maaaring mag-Face to Face.




Mayroong libreng TDC seminar ang ilan sa mga LTO branch ngunit kadalasan ay wala nang slot na natitira pa para sa mga nagnanais makakuha nito. Kapag tapos na ang TDC seminar ay makakatanggap ka na ng iyong sertipikasyon mula sa driving school.

Photo credit: George Niel Mendoza

Pag punta mo ng LTO office ay maaari ka na ding magpamedical doon. Pagkapasa ng mga requirements ay matatanggap mo na ang iyong student permit.

Makalipas naman ang isang buwan ay maaari ka nang mag-apply muli para sa iyong non-pro license. Ang mga requirements naman para dito ay ang iyong medical, student permit, Php6,500 para sa 8 oras na Practical Driving Course o PDC na bagong requirement din ng LTO, Php168 para sa Application Fee, Php653 para sa License Card at Computer fee at halagang Php250 para sa car rental sa loob ng LTO.

Ipinaalala din naman ng netizen na kung nanaisin mong magkaroon ng dalawang restriction sa iyong lisensiya ay kakailanganin mo ding kumuha ng dalawang PDC na ang ibig sabihan ay dagdag gastos pa para sa iyo. Ang kabuuang nagastos niya ay Php10, 488.63 kung saan hindi pa kasama ang “food allowance” at pamasahe.


Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments