Isang Lola ang namamalimos habang naglalakad dahil wala umano itong pamasahe pauwi ng kanilang probinsya at tinulungan ng isang Vlogger.
Sa panahon ngayon kung saan halos lahat ay sumusubok sa hirap ng buhay dulot ng pandemya, nakakabilib at nakakataba ng puso kapag tayo ay nakakabasa at nakakapanood ng mga kwento ng pagtulong sa kapwa at pagiging isang mabuting ehemplo at inspirasyon sa iba.
Sa panahon ngayon kung saan halos lahat ay sumusubok sa hirap ng buhay dulot ng pandemya, nakakabilib at nakakataba ng puso kapag tayo ay nakakabasa at nakakapanood ng mga kwento ng pagtulong sa kapwa at pagiging isang mabuting ehemplo at inspirasyon sa iba.
Isang vlogger at good samaritan ang talaga namang hinangaan dahil sa pagtulong niya sa isang matanda na kanyang nakitang naglalakad at nanlilimos sa kalye.
Sa kanyang YouTube account, ibinahagi ni 'Pugong Byahero' ang video ng kwento ng kaawa-awang matanda na diumano ay naglakad ng malayo upang makauwi sa kanilang probinsya dahil wala itong pera at pamasahe.
Ayon sa vlogger, nakita niya naglalakad ang matanda sa San Pedro, Laguna, ng kanyang mapansin na sa bawat paghinto nito ay nanlilimos siya.
Kaya naman kanya itong nilapitan upang alamin kung bakit ito nanlilimos. Ayon sa matanda, kaya siya nanlilimos ay upang makaipon ng pamasahe pauwi sa kanila sa Ternate Cavite. Kanya raw kasing sinadyang puntahan ang pamangkin na nagtratrabaho sa Jollibee, San Pedro Laguna upang mamasko sa pagkakaalam na nandoon ito. Ngunit sawi ng malaman na wala na pala doon ang pamangkin at nalipat ng ibang lugar.
Kwento ng matanda, pamasahe lamang papunta doon ang meron siya kaya ng hindi makita ang pamangkin ay napilitang mamalimos at maglakad upang makalikom ng pamasahe pauwi sa kanila.
Si lola ay si Aling Soledad Garcia, 68 taong gulang at tubong Cavite. Sa panayam ng vlogger sa matanda ay napag-alaman nitong hindi pa nananghalian ang huli at biscuits lamang daw na baon ang kinain at isang inumin na binigay sa kanya ng isang lalaki.
Tinanong ni 'Pugong Byahero' kung magkano ang kanyang pamasahe pauwi at binilang nila ang napalimusan nito na 8 pesos pa lamang. Ang pamasahe ay nagkakahalaga ng 170 pesos.
Nung una ay biniro pa ng vlogger ang matanda at binigyan ito ng baryang pangdagdag sa pamasahe ngunit sa huli ay binigyan nya din ito ng isang libong piso. Pagkatanggap ay naiyak ang matanda at nagpasalamat sa tulong at sinabing ibibili niya din ito ng bigas pagkauwi. Dagdag pa ni nanay na siya ay nag-gagamot sa sakit na highblood kaya naman sa kabutihang palad ay binigyan pa siya uli ng isa pang libo ng mabait na vlogger upang ipangbili diumano ni nanay ng gamot.
Hindi naman magkamayaw ang pasasalamat ng matanda at sinabing nakapamasko din siya ngunit sa ibang tao nga lamang.
Sa huli ay isinakay nila ng jeep ang matanda at sinabing mag-ingat ito pauwi sa kanila, hiling na makauwi ng ligtas si lola.
Source: Noypi Ako
0 Comments