Nasawi ang isang OFW sa Jeddah matapos umanong mahulog ito mula sa sasakyan



Mahirap ang mawalay ng malayo sa iyong mga pamilya para makipagsapalaran sa ibang bansa. Ngunit, mas masakit sa pamilya ang mawalan ng kaanak lalo na kung nasa ibang bansa at hindi nila ito masisilayan at maipaglulukså.

Isang OFW ang nasåwi matapos umanong mahulog mula sa sinasakyan nito. Ang kinilalang biktima ay si Raymond Ambrocio na mula sa Nueva Ecija. Si Raymond ay 27-taong gulang na OFW sa Jeddah.


Ang ikinasawi ng biktima ay hindi pinaniniwalaan ng mga naulilang kaanak nito. Pebrero 16, 2021 nang matanggap ng mga kaanak nito ang balitang masamång nangyari sa kanya. Ani ng kaanak, "Sa tingin ko po yung nangyari sa kaniya pinagplanuhan nung mga kaibigan niyang ibang lahi." Ayon kay Richard, kapatid ni Raymond, mayroon daw si Raymond na mga pasa sa katawan at bakas ng sakål sa leeg nito. Kaya naman humihingi ang mga kaanak ni Raymond ng hustisya dahil ang dahilan daw umano ng kanyang pagkasawi ay tila sinadya ang nangyari sa kanya.



Nabanggit din kay Richard ang matatagalang proseso ng paglipat ng bångkay ni Raymond mula Jeddah papunta dito sa Pilipinas. Aabutin daw umano ng tatlong buwan ang pag-proseso nito. Ganoon pa man ay tintiyak ni Esperanza Cobarrubian, OIC-OWWA-Regio III, ay inaasikaso ng ng embahada ang pagpapauwi ng bangkay ni Raymond.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments