Pres. Rodrigo Duterte, matinding iginiit na hindi tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagkapangulo sa Election 2022



Nalalapit na ang Election 2022 at mainit na ang isyu tungkol sa mga kakandidato sa susunod na halalan. Maraming nag-nanais na tumakbo ang anak ni Pres. Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte. Ngunit matindi pa ding iginiit na hindi tatakbo ang kanyang anak bilang susunod na Pangulo ng bansa sa taong 2022.



Ayon kay Surigao Del Sur Gov. Alexander Pimentel ay dapat na magpatawag si Pres. Duterte ng Press Conference para sa susunod na tatakbo bilang Presidente at dapat ito ay malapit sa kanya gaya nila Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Bong Go.

Ani naman ni Pres. Duterte, "Inday Sara is not running. I have really, really put my foot down. Naawa ako sa anak. Ang pulitika nito, kabab@buyan."



Sagot naman Ni Sen. Pimentel, "Ang request po namin, may continuity. Dapat isa sa administration ang ko-continue ng lahat ng ginawa niyo po, lahat ng achievement." "Kasi baka pagka ibang presidente, tanggalin lahat yan. Papaano na kami? Kailangan may continuity. Kailangan kumbinsihin natin si Inday Sara o Senator Bong Go.", dagdag pa nito.

Wala naman alam si Pres. Duterte kung ano ang plano ni Sen. Bong Go matapos nyang sabihin na hindi tatakbo ang kanyang anak sa pagkapangulo. Ngunit sinabi nito na hindi din siya tatakbo.

Sa huli ay may babala pa ito tungkol kay former Sen. Antonio Trillianes III, "Be careful of Trillianes. Be careful of Trillianes. magbantay kayo. He will sell you to the devi1. Pag yan ang naka upo? P@tay. Walang h!ya yan, sa totoo lang"
Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments