72-Anyos na Lolo, Nanghihina na at Hirap na din Makalakad, Nagbabakasakaling Makita ang Pamilya!



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang matandang lalaki sa Social Media noong Marso 30. Siya si Ronalyn Enolva na naninirahan sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.


Ayon sa kanya, humihingi siya ng tulong at nagbabakasakaling may makakilala sa lolo na nasa larawan. Kinilala ang matandang lalaki na si Tatay Virgilio B. Alejandre.


Ayon pa kay Ronalyn, hirap na si Tatay Virgilio na maglakad at nanghihina na din ang buong katawan. Ilang beses na din umanong nababagsak si Tatay Virgilio.

Ang pamilya daw ni Tatay Virgilio ay naninirahan sa Pabahay 2000 sa San Jose Del Monte, Bulacan. Kung may nakakakilala umano sa kanya ay ipagbigay alam na lang sa kanyang facebook account.


Narito naman ang kabuuang post ni Ronalyn Enolva:

"Ako po si Ronalyn Enolva , Residente ng Brgy Western Bicutan Taguig City . Humihingi ng tulong at nagbabaka sakali na may nakaka kilala kay Tatay Virgilio B. Alejandre ayan na po ang kalagayan niya sa ngayon hirap ng makalakad at nanghihina na at ilang beses na din bumagsak dahil sa kalagayan niya ngayon. Sa mga nakakakilala po kay tatay at sa pamilya niya Jan sa may San Jose Del monte Bulacan (Pabahay 2000) maaari po Kayong tumawag At Magtexx sakin sa Numero na ito 09634174664 O di kaya Mag Pm po kayo dto sa FB aCcount ko , Thank You in Advance. Si tatay po mismo nagsabi na nanjan Sa Pabahay 2000 sa San jose del monte bulacan kamag anak niya."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments