Imahe ng Sto.Niño sa ulap, Nakuhanan ng Larawan sa Bohol


Viral ngayon ang mga larawan ng mga formation ng ulap na nagpapakita ng imahe ng Sto. Niño.


Nakuha ang larawan sa Tungod inabanga, Bohol na may nagpakitang imahe ng Sto. Niño na nakaharap sa isla ng Cebu. Marami ang nakakita at namangha sa naging formation ng ulap na tila ba makikita ang isa nakatagilid na Sto. Niño at tila ba may pinapahiwatig.




Ayon sa mga nakakita, nabuhayan umano sila dahil senyales daw ito ng pag-asa at milagro dahil sa panahon ngayon ay may kumakalat na pandemya na COVID-19 at muli nating makakamit ang pagbangon mula dito.


Dahil umano dito ay nagkaroon ng pag-asa ang ilan at patuloy na lumaban, kailangan lang magdasal at manalangin upang masugpo ang pandemya sa buong mundo.

Ito ang naturang post:

"Guys! eto po yung cloud formation na nakunan sa Tungod Inabanga, Bohol na may nagpakitang imahe ng Sto.Niño na nakaharap sa isla ng Cebu, marami ang namangha pero ang sabi ng iba ay ordinaryong ulap lang daw ito ngunit mas marami ang nabuhayan ng Pag-asa dahil isa raw itong senyales ng milagro ng Panginoon na sakabila ng pagtuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Cebu ay meron pa ring tayong Diyos na maaasahan, naniniwala ang ilan na pagagalingin ni Hesus lahat ng tinamaan ng virus sa Cebu at sa buong Pilipinas at muli nating makakamit ang pagbangon wag lang tayo mawawalan ng Pag-asa, patuloy na lumaban, magdasal at manalangin siguradong magagapi natin ang pandemya sa buong mundo."
Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments