Nakasaad sa Republic Act. 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na makakatanggap ng Letter of Felicitation at Cash Gift na nagkakahalaga ng isang daang libong piso mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sinomang Pilipino na nakatira sa Pilipinas o maging sa labas ng bansa na aabot sa edad na 100-taon.
Isa si Lola Feliza Pancho Cruz sa mga sentenaryo. Nakatira si Lola Feliza sa Barangay Uyong, Labrador, Pangasinan. Nagdiwang si Lola feliza ng kanyang ika-101 kaarawan.
Ayon kay Jact Jaffan na apo sa tuhod ni Lola Feliza, isang taon na mula nang nakipag-ugnayan sila sa DSWD para makuha ang benepisyo ni Lola Feliza ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din niya natatanggap. Nauna pa umanong idaos ang ika-101 kaarawan ni Lola Feliza bago matanggap ang pinakahihintay na benepisyo.
Ayon naman kay Jhoana Foz, DSWD Head Program Management Bureau na namamahala sa programa para sa mga sentenaryo, naantala ang pagbibigay ng benepisyong ito sa Region I dahil kinapos umano sa budget.
Tumaas umano ang bilang ng mga sentenaryo sa Region I, mula 86 sentenaryo sa taong 2020 ay lumobo sa 270 senteraryong aplikante.
Gayunpaman ay sinuguro ni Jhoana Foz na maisasama si Lola Feliza sa pay-out sa Pangasinan ngayong Marso.
Source: Noypi Ako
0 Comments