Karamihan sa mga magulang ay mahilig na pakainin ang kanilang mga anak ng chewy candy dahil bukod sa masarap ay malambot din ito. Ngunit, may peligro pa lang dulot ito kapag nalunok ng buo ang chewy candy ng mga bata tulad na lamang sa nangyari sa batang ito. 

Trending ngayon sa Social Media ang isang post ni Julie Ann Quiroz dahil sa pagkawala ng kanyang pamangkin. Nalunok umano ng buo ang chewy candy na kinakain ng kanyang pamangkin nang bigla na lamang hindi ito makahinga. Sinubukang iligtas ang bata ngunit wala pa din silang nagawa.

 

Dinala umano nila sa isang ospital sa Baybay, Leyte ang bata upang mailigtas pa ngunit kinailangan pang isagawa ang swÃ¥b test sa bata upang masiguro na wala itong dalang C0VID19. Dahil dito, hindi na naisalba ang buhay ng bata. 

Ayon pa kay Julie Ann, napakalambing ng kanyang pamangkin lalo na sa kanyang lolo, lola at ama nito. Lubos naman ang pagdadalamhati ng mga naulilang pamilya ni Baby Kerker na binawian ng buhay sa edad apat na taong gulang. 


Maraming netizens naman ang nakiramay sa kaanak at pamilyang naulila. Ang ilan naman ay sinisisi ang ospital kung bakit inuna pa ang pagsagawa ng swåb test bago isalba ang buhay ng bata dahil ito daw ay emerg3ncy na nangangailangan ng agarang lunas.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments