Leah Navarro, may Mensahe para kay Pres. Duterte: "You're Nothing But A Failure!"



Inanunsyo na ng MalacaƱang na sa darating na Linggo, Marso 29 hanggang Abril 4, 2021 ay ibabalik ang ilang lugar sa Enhance Community Quarantine o ECQ kung saan mas mag hihigpit ang ilang lugar.

May ilan naman na hindi pumapabor dito gaya na lamang ng isang Filipino Singer na si Leah Navarro. Palaban niyang ipinahayag sa Social Media ang kanyang mga banat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Mula sa kanyang tweet ay tila minumungkahi ni Leah Navarro si Pangulong Duterte magretiro na sa pagkapangulo at bumaba na sa pwesto.

Kinwestiyon din niya ang Pangulo kung nakahanda ba ang gobyerno para sumailalim mula ang ilang lugar sa ECQ.

“ECQ na naman. May ayuda ba para sa mga daily wage earners? Nakahanda ba ang mga food packs at bigas? Naku, #DuterteResign na so someone with competence can take over. You’re nothing but a failure,” giit nito sa kanyang tweeter post.


“#DuterteResign now so someone intelligent, capable, proactive, and compassionate can dig us out of this mess. People need care, food, meds, cash. Especially our frontline workers!” dagdag pa ni Leah Navarro.


“Superseded na po kasi full limitation on travel na tayo. Lahat tayo manatili sa ating mga tahanan except mga essentials,” ayon sa anunsyo Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasama sa pagpapatupad ng Ecq ang curfew mula 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga, tanging mga Authorized Person Outside of Residence o APOR lang ang papayagan.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments