Mahirap makipagsapalaran lalo na sa ibang lugar na hindi mo kabisado. Ang ilan sa mga Pinoy ay mas lalong nahihirapan ngayon dahil sa kinahaharap na pandemya.
Isang facebook post naman ang nag-viral matapos ibahagi ang nangyari sa isang lalaki na si Danilo Santos na mula pa sa Brgy. Ibayo, Balanga City, Bataan. Ayon sa post, napadpad umano si Danilo sa bayan ng Alfonso dahil isinama umano siya ng kanyang kaibigan para maging kapalit sa pinapasukang trabaho nito.
Kwento ni Danilo, nagpaalam siya sa kanyang amo na umalis upang umuwi sa kanila sa kadahilanang hindi niya kaya ang trabaho at hindi umano siya pinapasahod ng kanyang amo. Sinabi sa kanya ng amo niyang intsik ay pagkain lang ang magiging kapalit ng kanyang pagtatrabaho.
Dahil dito, nagpaalam na lamang siya umalis at humingi na lamang siya ng pamasahe upang makauwi na sa kanyang pamilya ngunit hindi pumayag ang kanyang amo. Kailangan daw muna niyang tapusin ang isang buwan upang mabigyan siya ng pera na nagkakahalagang P2,000.
Sa ngayon ay nasa Petron Highway sa Tagaytay lamang si Danilo na naglakad lamang siya mula Alfonso hanggang Tagaytay. Nilakad niya ito ng dalawang araw upang makauwi na sa kanyang pamilya.
Humihingi siya ng tulong upang makalikom ng pamasahe at makauwi na. Nawa ay may mabubutinng kalooban ang tumulong kay Danilo.
Source: Noypi Ako
0 Comments