Marami na ang naiiuulat sa ating bansa ang mga simpleng mamamayan o kadalasan pa ay mga kapos sa buhay, ay nagsosoli ng mga bagay na kanilang nakikita o napupulot kahit na ito ay nagkakahalaga ng malaki. Kahit na may ilan sa atin ang nasisilaw sa mga mahahalagang bagay ay marami at lamang pa din ang tapat sa kapwa.
Nang mapulot niya ang pitaka ay hindi nag dalawang-isip si Tatay Jojo na isoli ito sa nagmamay-ari kaya naman, naisipan niyang magpunta sa pinaka malapit na Barangay Office.
Naglalarawan si Tatay Jojo na sa kabila ng hirap ng buhay ay hindi niya naisip o tinangka na kunin at angkinin ang hindi niya pagmamay-ari dahil mas nangingibabaw kay Tatay Jojo ang kabutihan ng kanyang kalooban.
Source: Noypi Ako
0 Comments