Nag-viral ang Simpleng Pagbebenta ng Banana Cue ng Isang Dalaga Dahil sa Angking Ganda Nito!



Lahat ng tao ay naapektohan ng pandemya. Ang ilan ay maparaan sa buhay, nariyan ang magnegosyo online o magtinda ng kung anong mapagkakakitaan.

Upang makatulong sa kanyang ina na sa ibang bansa na isa din sa naapektuhan ng krisis, naisip ng isang dalaga na si Yssa Nicole Nengasca, 16-anyos, na maglako ng banana cue. Ngunit, hindi niya lubos maisip na mag-viral ang kanyang larawan na nagpapakita ng kanyang pagtitinda ng banana cue.


Nag-aaral si Nengasca ng Grade 11 sa Paaralan ng Norte Dame of Midsayap College. Residente siya ng Brgy. Poblacion 2, Midsayap.

Nang makita ito ng mga netizens ay talaga naman napahanga sila hindi lamang sa kanyang pagtitinda ng Banana Cue at dahil din sa kanyang angkin kagandahan. May ilan na nagsabi na mapapabili sa kanya ang mga tao kahit na sila ay hindi kumakain ng banana cue kung hindi dahil sa kanyang taglay na ganda.


Bagamat nag-viral ang kanyang larawan na umabot ng 100k shares ay nalungkot ito dahil sa ilang nagkomento ng mga negatibo tungkol sa kanya at sa mga nangbast0s na ginawang katuwaan ang kanyang larawan.

Ayon pa kay Nengasca, sana ay maging inspirasyon na lamang siya ng iba sa kanyang ginawa na magtinda. Hindi naman daw niya na intensyon na mag-viral ang kanyang larawan.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments