Naaprubahan na ang Special Amelioration Program ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay ang pagtugon sa panawagan ng ilan nating mga kababayan na mabigyan ng agarang ayuda ang mahihirap na apektado ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.
Dahil dito, nasa 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng NCR Plus na naka-ECQ noong Marso 29 hanggang Abril 4 na mabibigyan ng ayuda.
"Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda para makarating agad ang tulong ng gobyerno sa mga dapat makatanggap nito. Sa tulong din ng mga LGUs, dapat mailatag na ang proseso kung paano ito maipapamahagi sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon," ayong kay Sen. Bong Go sa isang facebook post.
"Sa mga kapwa kong Pilipino, konting tiis lang po. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapagaan ang hirap na pinapasan ng buong sambayanan. Magbayanihan po tayo para malampasan ang mga pagsubok na ito," dagdag pa niya.
Source: Noypi Ako
0 Comments