Kamakailan lamang ay ipinatupad muli ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa mabilis na paglobo at pagtaas ng bilang na mga nagkakaroon ng C0VID-19. Kaya naman, mas pinahigpit ang paglabas ng mga tao na kasabay na ipinatupad ang mas maagang curfew mula 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga.
Isang larawan ang kumalat sa Social Media. Isang lalaki na walang buhay na nagngangalang Darren Manaog. Ayon sa kapatid ni Darren ay nahuli ng kapulisan ang kanyang Kuya noong huwebes ng gabi. Bumili umano siya ng tubig sa loob ng curfew hour.Pinag-pumping daw sila ng 100 beses at kailangan ay sabay-sabay kaya ilang ulit sila. Ayon pa sa ulat ay naka-300 beses sila.
Nangyari ito sa Munisipyo ng Malabon General Trias Cavite. Umuwi si Darren kinabuksan bandang alas-otso ng umaga at hindi na siya makalakad noon ng maayos. Noong sabado ng madaling araw, nagkombulsy0n na si Darren at narevive pa umano siya sa kanilang bahay. Sinumpong ulit at ni-revive ngunit na-c0matose na siya hanggang nawalan na ito ng hininga.
Sinabi ni Darren sa kanyang kapatid kung ilang beses siyang natumba noong pinag-pumping sila.
"Kuya paalam na mahal na mahal ka namin Hindi kami papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala mo Mahal na mahal ka namin kuya Pasensiya kana kung di ako makakauwe. Dahil sa panahon ngayon.Mahal na mahal kita kuya Dar," mensahe ng kapatid ni Darren.
Source: Noypi Ako
0 Comments