Lolo, Hinangaan ng Marami Matapos na Asukal Lamang ang Kunin sa Isang Community Pantry.


Hinangaan at nag-silbing inspirasyon sa karamihan ang isang lolo matapos na kumuha ng asukal sa community pantry at hindi na kumuha ng iba pa. Ayon kay Lolo, asukal lamang ang wala siya kaya ito lamang ang kinuha niya. May sardinas at bigas naman daw siya sa bahay kaya asukal na lang ang kinuha niya para sa kanyang pagkakape.


Ayon sa mga netizens ay may taglay na malasakit sa kapwa si Lolo. "May malasakit si tatay sa kapwa hindi sya ang tipong mapagsamantala yan ang tunay na dapat pamarisan. God bless po sa lahat at stay safe always," ayon sa isang komento ng netizen.

"Kasi dama at alam ni tatay na lahat ay nangangailangan, sana lahat kagaya ni tatay na kung ano lang ang kailangan at hindi siya mapagsamantala.Naisip ko nga yong ayuda na para sa akin,kahit singko ay wala akong natanggap sana po maibigay nila sa kagaya ni tatay.O kaya doon sa senior na hindi na makapag trabaho at para sa kanilang health supplement," pahayag pa ng isa sa mga netizen na humanga din kay Lolo.


May ilan man na mapagmalabis at mapang-lamang sa kapwa ay mas marami at mas nangingibabaw pa din ang pagiging mabuti at malasakit ng mga Pinoy. Tunay ngang inspirasyon si Lolo at marapat lamang na siya ay tularan ng karamihan. narito ang kabuuan ng naturang facebook post na ibinahagi ni Gerald Paredes Carsucho.

"KWENTONG COMMUNITY PANTRY!

Araw-araw naming nakikita si tatay na dumadaan sa pantry ngunit nagtataka kami kung bakit hindi sya kumukuha. Isang araw ay nakita niyang may asukal at tumigil siya upang kumuha ng dalawa nito. Inalok namin siya ng iba pang mga nakalatag sa lamesa ngunit ang sagot ni tatay ay: "May mga sardinas at bigas na ako sa bahay, asukal lang ang wala ako para sa pag kakape ko, kaya ito lang ang kukunin ko." At kami'y biglang natahimik.


Nawa'y lahat ng mamamayan ay matutong kumuha batay lamang sa kanilang pangangailangan upang marami pang kapwa nila nangangailangan ang makinabang dito. Gayundin, upang malagpasan nating lahat ng sama-sama ang krisis na ito.

Ang community pantry ay tinuturuan tayo ng malasakitan, kung mayroong may sobrang kinikita ay magbahagi, kung may kakulangan ay kumuha ng hindi sobra rito.
Maraming maraming salamat po sa mga tao o pamilya na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa mga nangangailangan!

Pilipino para sa Pilipino!

Imuseño para sa Imuseño!

Anabueño para sa Anabueño!"


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments