Imahen ng mga Santo, Himalang Hindi Napinsala Matapos Mangyari ang Sunog sa Iloilo!



Iba't iba ang paniniwala ng mga tao tungkol sa Diyos kaya naman marami at iba't iba ang relihiyon ng mga tao. May ilan sa atin na hindi naniniwala sa mga naghihimalang imahen. Anuman ang paniniwala ng mga tao ay iisa lamang ang mahalaga at iyon ang may Diyos na totoong nagmamahal at nandiyan para sa atin.




Isang hindi kapani-paniwalang himala ang nangyari sa isang pamilya sa Passi Iloilo. Kamakailan lang ay ag-viral sa social media ang mga larawan ng imahe ng mga santo na himalang hindi nasunog matapos na maminsala sa bahay ng pamilya ni Pao Paginado Dehan.

Malaki ang napinsala ng sunog at nadamay din ang 'divine intervention' kung saan makikita ito sa loob ng kanilang bahay at dito din nakalagay ang mga imahen ng mga santo.





Halos walang natira at halos maging abo na lamang ang tahanan ng pamilya ni Pao ngunit buo pa rin at tila walang nangyari sa mga imahen.

Base naman sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumabas na ang sanhi ng sunog ay dahil sa electrical connection. Maituturin na isa ngang imala ang nagyari dahil kung titignan sa mga larawan ay hindi manlang nadaplisan ang mga imahen.




Patunay ito na ang prisensya ng atig Panginoon ay nasa paligid lamang. Marahil ay isa na rin itong paalala sa atin na kailangan natin maging matatag sa paniniwala sa Kanya.

Kung totoo man o hindi ang himalang nangyari sa mga imahen, huwag pa rin nating kalilimutang magdasal, tumawag at magpasalamat sa Panginoon. Patuloy lamang tayong gumawa ng m.abuti sa kapwa

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments