71-Anyos na Lolo, Matiyagang Sinasamahan ang mga Apo sa Bundok Upang Mag-aral Dahil Doon Lamang may Signal!



Marami ang naantig sa larawan ng isang concerned netizen na si Jorge Tejada. Makikita sa larawan ang maglolo na nakapayong habang nag-aaral sa tabi ng kalsada kahit na umuulan sa lugar ng Genitligan, Baras, Catanduanes. Kinilala ang lolo na si Lolo Arnulfo Teves, 71-anyos, habang ang kanyang apo na si Daniel ay 12-anyos, Grade 7 student.




"No'ng una po naawa ako sa maglolo kasi nando'n sila kahit umuulan na. Tapos medyo matanda na rin talaga si lolo. Pero na-inspire ako kasi kahit hirap sila ay patuloy pa rin sila sa pagsagot sa module ng bata," ani Jorge Tejada.

Sa naging panayam Bayan Mo, Ipatrol Mo kamakailan kay Lolo Arnulfo, sinabi niya na araw-araw umanong pumupunta sila sa nasabing lugar kung saan may signal. Kalahating oras na lakaran aniya ito mula sa kanilang bahay.





Dahil si Lolo Arnulfo ang bumubuhay sa tatlong apo at anak nitong PWD, sinisikap niyang tipirin ang natatanggap nilang mag-asawang buwanang pensiyong nagkakahalaga ng P5,300.

"Tapos walang kuryente dito sa amin, magpapa-charge ka, P15 ang singil kung magpapa-charge ka doon sa may generator."




Ang batang si Daniel naman, naiiyak na nagpasalamat sa kaniyang lolo dahil sa pag-aalaga at pagmamahal sa kaniya. Nais ni Lolo Arnulfo na makapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang apo para makamit ng bata ang kaniyang mga pangarap sa buhay kaya ginagawa nito ang lahat ng pagsasakrïpisyo.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments