Watch | Dakilang Ama, Kinakarga Ang 18-Anyos na Anak Para Maipagamôt ang Malubhang Karamdåman!




Lahat ay gagawin ng isang magulang para sa ikabubuti ng kanilang anak. Katulad na lamang ng isang dakilang ama mula San Jose Del Monte, Bulacan. Ang amang ito ay kinilalang si Rolando Niangar na may inaalagaang 18-anyos na anak na may malubhang karåmdaman. Ayon sa kuwento ni Tatay Rolando, ay anim na buwang gulang pa lamang ang kanyang anak nang ma-diagnose sa såkit ang kanyang anak na si Jewelyn.




Hindi na umano nakakapagsalita ng maayos at hindi na nakakalakad ang dalaga ngunit sa tuwing may dinadaing daw ito ay naiintindihan naman umano ni Tatay Rolando. Ayon sa isang episode sa "Reporter's Notebook" ay ipinakita ni Tatay Rolando kung paano niya pakainin ang kanyang anak sa pamamagitan ng tubo na nakadaan sa ilong ni Jewelyn.

Gatas lamang ang ipinapakain ni Tatay Rolando sa kanyang anak ngunit kung minsan pa ay wala siyang nabibiling gatas dahil sa kakapusan.





Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang kasambahay na nagpapadala ng Php3,000 kada buwan para sa gastusin ng pamilya ngunit kulang pa rin ito sa mahigit Php4,600 na kailangan ni tatay Rolando sa apat na beses na therapy ni Jewelyn at pamasahe pa tungo sa Philippine Children's Medicål Center.




Si Tatay Rolando mismo ang tumututok kay Jewelyn para makasiguradong maaalagaan siya ng mabuti kaya naman hindi maalis sa kanyang isipan na paano kung mawala na siya, paano na ang kanyang anak.

Narito ang kabuuang video kung saan makikita ang mga såkrispisyo ni Tatay Rolando para sa kanyang anak:





Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments