Watch | Madam Inutz, Binigyan ng Php 200,000 ni Sir Wil Tolentino Kasama si Herlene Hipon!




Viral ngayon ang isang online seller dahil sa kakaiba nitong paraan ng pagtitinda. Dahil dito ay humahakot siya ng milyong views sa kanyang live selling ngunit wala nagma-mine o bumibili. Bagaman walang bumibili ay kaliwa't kanan naman ang natatanggap niya ngayong biyaya. Siya ay si Daisy Lopez o mas kilala bilang Madam Inutz.




Madalas man siyang nagmumurå sa internet ay hindi ibigsabihin nito ay masamå na siyang tao. Sa katanuyan ay paraan lamang niya ito para makapagpasaya ng tao, at hindi naman siya nabigo rito dahil sa dami ng sumusuporta sa kanya.

Sa kabilang banda, binisita ni Sir Wilbert Tolentino kasama si Herlene Hipon, ang viral online seller na si Madam Inutz para kamustahin ang kalagayan niya at ng ina nito, at upang surpresahin at bigyan ng malaking halaga ng pera.





Binigyan ni Sir Wil si Madam Inutz ng Php 100,000 para sa pagpapagam0t ng kanyang ina na may karamadåman at isa pang Php 100,000 para naman sa puhunan sa kanyang online business na ukay-ukay.

"Thank you is not enough to express how grateful and overjoyed you've made us. my heart is full, Thank you sir @wilbert tolentino," ani Madam Inutz.




Hindi naman napigilan ni Madam Inutz na maiyak dahil sa tuwa na kanyang naramdaman sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Maging ang kanyang ina ay napahagulg0l din dahil sa laki ng ibinagay na pera ni Sir Wil. Si Herlene Hipon ay hindi na rin napigilan ang emosyon at napaiyak na rin.

Lubos naman na nagpapasalamat si Madam Inutz kay Sir Wil at sa mga taong sumusuporta sa kanya. Ginagawa niya umano ang lahat para sa kanyang ina, tatlong anak at sa kanyang pamilya. Pangarap niya na makapagpatayo ng sariling bahay kahit na sa maliit na lupa lamang.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments