Watch | Mona Alawi, Ikinuwento Kung Paano Nag-agaw Buhay Bago Ang Kanyang 17th Birthday!




Kamakailan lamang nang mag-17 si Mona Alawi, bunsong kapatid ng sikat na vlogger na si Ivanan Alawi. Sa youtube channel ni Ivana ang ibinahagi niya ang simpleng selebrasyon na inihanda nila ng kanyang pamilya para kay Mona, dahil ang tanging hiling niya ay magkaroon lamang ng pagsasaluhan ng paborito niyang pipino.




Gayunpaman, ay nagregalo pa rin si Ivana ng tatlong regalo na alam niyang magugustuhan ni Mona. Matapos ang surpresa, ay nagsalo-salo na ang pamilya Alawi.

Nagbigay sila ng kanya-kanyang mensahe para kay Mona at isa na rito ang magkaroon siya ng malusog na pangangatawan at gumaling na siya sa kanyang karamdaman. Ang huling nagbigay ng mensahe kay Mona ay ang kanyang ina naging dahilan kung paano at ano ang nangyari kay Mona dalawang linggo bago ang kanyang birthday.




"Natakôt ako, two weeks ago... tatlong beses siyang muntik, muntikan. Kamuntik talaga. Alam mo 'yung sobrang lamig na ng katawan niya, 'yung kamay niya pag hinawakan niyo wala na... 'Pag itinatayo na siya wala na bumagbagsak na siya," kuwento ng ina ni Mona.

Wala na ring kontrol si Mona sa kanyang sarili dahil sa pagbagsak ng kanyang sugar na hindi niya namalayan. Inakala niya na baka inaantok lamang siya ng mga oras na iyon.





"Ako nasa may paahan ng kama, oo nakikita ko sarili ko. Kasi wala akong control sa body ko like 'yung buto ko, hindi ko talaga magalaw," ayon naman sa istorya ni Mona.

Inamin ng ina ni Mona na nakaramdam siya ng takôt noon sa nangyari sa kanyang anak.

"Parang pinanonood mo na kaluluwa mo nasa labas na para panoorin mo 'yung sarili mo, yun ang nakakakilabot," ani ng ina ni Mona.

Narito ang kabuuang video:




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments