Muli na namang pinabilid ng “Kulay Colorization” ni Adlai Garcia Jawid ang maraming mga netizens dahil sa ginawa nilang photo enhancement sa mga kilala at hinangaang aktres sa industriya ng show business! Ilan sa mga aktres na ito ay sina Alicia Vergel, Amalia Fuentes, Anita Linda, Barbara Perez, Carmen Rosales, at Celia Flor.
Angat na angat din naman ang kagandahan ng iba pang mga artista tulad na lamang nina Charito Solis, Corazon Rivas, Daisy Romualdez, Delia Razon, Gloria Romero, Lani Oteyza, Linda Estrella, Lolita Rodriguez, Myrna Delgado, Nida Blanca, Norma Vales, Paraluman, Priscilla Cellona, Rita Gomez, Rosa Del Rosario, Rosa Rosal, Rosita Noble, Susan Roces, Tessie Quintana, at Tita Duran. Talaga namang nakakamanghang tingnan ang mga larawang ito ng mga mahuhusay na aktres sa ating bansa.
Kahit pa halos marami na sa kanila ang sumakabilang-buhay na ay hindi pa rin natin nalilimutan ang mga natatangi nilang pagganap sa ilang mga karakter sa pelikula o sa telebisyon na ginawa nila noong sila ay mga nabubuhay pa. Samantala mayroon pa din namang ilan sa kanila na hanggang sa ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz tulad na lamang nina Susan Roces at Gloria Romero.
Sa unang tingin ay aakalain mo talagang nabuhay muli o di kaya naman ay bumalik sa panahon ng kanilang kabataan ang mga aktres na ito. Napakahusay ng naging pag-aayos ng mga larawang ito kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mas marami pang mga netizens bumilib sa “Kulay Colorization”.
Bago pa kasi ang mga sikat na aktres na ito ay nakagawa na rin sila ng “photo enhancement” sa mga presidente ng Pilipinas at mga naggagwapuhang mga aktor noon ng pinilakang tabing. Narito ang ilan sa mga naging pahayag at reaksyon ng mga netizens sa napakakagandang larawan na ito:
“It’s a great move to give tributes for our beloved Queens of Philippine Cinema! Thanks for sharing these truly amazing and beautiful Filipina actresses.” Pahayag ng isang netizen.
“They are such gorgeous women. Thank you for sharing these beautiful photos. Continue to give tributes through this digital art!” Komento naman ng isa pa.
0 Comments