Anak ng Magsasakat at Tricycle Driver, Nakakuha ng U.S. Scholarship na may Halagang Php4.2M kada Taon!




Gagawin ng magulang ang lahat para sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay ng kanilang anak. Ngunit, kung minsan ay marami ang dumadaang pagsubok sa buhay na hindi natin maiiwasan katulad na lamang ng kahiråpan. Gayunpaman, bilang magulang, ay walang imposible at walang hindi kakayanin para sa kanilang anak. Ito ay pinatunayan ng mga magulang ni Gelbert Crecensio mula Talibon, Bohol.




Isang magsasaka at tricycle driver ang kanyang ama na si Mang Edilberto habang ang kanyang ina na si Nanay Gertrudes ay nagtatrabaho ng 14-oras araw-araw. Kaya naman, hindi na sinayang ni Gelbert ang mga sakripisy0 ng kanyang mga magulang para sa kanya. Pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral at sa kabutihang palad, ay nakarating pa siya ng ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nakapasa at nagawaran siya ng full scholarship mula sa Amherst College in Amherst, Massachusetts USA, isa sa mga kilala at pristihiyosong paaralan sa buong mundo. Kukuha siya ng undergraduate degree sa Nuerosciences bilang preparation sa Medical School sa U.S upang maging Neurosurgeon.




"First word ko po na nabasa is 'yung congratulations po, pero hindi ko na binasa lahat nung letter, tumakbo na lang po ako palabas ng bahay ’tsaka sinabihan ko yung mama ko tapos nag iyakan kami," ani ni Gelbert.

Sa 4,900 na mga aplikante mula sa mga international students, isa si Gelbert sa 118 na pinalad na makapasa. Nagtapos siya ng kanyang Senior High School sa Holy Name University, Tagbilaran City. Makakatanggap si Gelbert mula sa kanyang scholarship ng tumataginting na $85,000 o halos P4.2 million kada-taon sa kanyang pag-aaral. Kasama na ang kanyang libreng tirahan.




Bunso sa tatlong magkakapatid si Gelbert, at parehong nakapagtapos na din sa kolehiyo ang mga ito. Nabaon din sila sa mga utang at loans para may maipambayad sa tuition ng kanyang mga kapatid, hangga't lumobo na mga ito at nagkandapatong-patong ng ang mga interest.

"Hindi ko niminsan narinig na nagreklamo ang aking mga magulang tungkol sa kung gaano na sila ka pagod. Kaya, nais kong tulungan ang aking pamilya, upang mabayaran ang lahat ng mga utang at maibigay ko sa kanila ang buhay na tunay na nararapat sa para sa kanila," aniya.




Dagdag pa niya na hindi siya kailanman pinilit ng kanyang mga magulang upang ibuhos ang kanyang buong panahon sa pag-aaral. Pagkukusa daw niyang ginawa ang lahat ng mga ito upang kanyang masuklian at hindi masasayang ang lahat ng kanilang pagod at paghihirap sa paghahanapbuhay para kanilang magkakapatid.

Pangako naman ng kanyang mga magulang na handa nilang gawin ang lahat at hindi sila titigil sa pag-suporta sa pangarap ng kanilang anak.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments