Bagyong Quinta, hindi napigilan ang magkasintahang ito na ituloy ang kanilang kasalan kahit pa sa gitna ng baha!




Ang pagpapakasal o pag-iisang dibdib ang isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ng isang babae. At talaga namang sinusuportahan ito ng lalaking kaniyang mapapangasawa.

Ngunit sa panahon natin ngayon ay talagang napakahirap ang magpakasal sa Simbahan man o sa Huwes. Ito ay dahil sa pandemyang patuloy pa rin nating nararanasan hanggang sa ngayon.



Ngunit sa gitna pala ng napakahirap nating sitwasyon sa ngayon ay mayroon pa ring mga taong hahamakin ang lahat maisakatuparan lamang ang kanilang pinapangarap na pagpapakasal. Hindi madali ang pumasok sa buhay may-asawa ngunit sa halip na matakot at mangamba sa maraming mga pagbabagong maaaring mangyari sa kanila ay mas nasabik pa silang tahakin ang landas na ito nang magkasama at magkatuwang.



Sila ay walang iba kundi ang magkasintahang Ronil at Jeziel Guillepa. Itinuloy pa rin kasi nila ang kanilang pag-iisang dibdib sa Barangay Luyang sa Mabinay kahit pa grabe na ang baha dito dulot ng bagyo.
“‘Di po mapipigilan ang pagmamahalan naming dalawa. Tagal ko ‘tong pinaghandaan ‘tong pagkakataong pakasalan siya. Kahit anong bagyo pa ang darating o ano pang pagsubok, kayang lampasan,”Pahayag ni Ronil sa GMA.



Dagdag pa niya ay bahagya siyang kinabahan dahil sa maaaring umatras ang kaniyang “bride” dahil sa matinding baha at tuluyan nan gang hindi matuloy ang kanilang pagpapakasal. Para naman kay Jeziel ay mas matimbang ang pagmamahal niya para kay Ronil kung kaya naman lumusong na rin siya sa baha matuloy lamang ang kanilang kasal.




Ayon sa kanilang kaibigan na si Josephine Bohol Sabanal ay sinuong na din ng ilang mga bisita at maging ng kanilang “entourage” makarating lamang sila sa simbahan. Marami namang mga netizens ang talagang bumilib sa pagmamahal ng dalawang ito na hindi alintana ang anumang bagyo at unos.

Pinatunayan lamang nila na mas matimbang ang pagmamahal nila sa isa’t-isa at hindi ito matitibag ng kahit ano pa mang bagay.





Post a Comment

0 Comments