Hindi madali ang maging isang magulang. Sa oras kasi na nagkaroon ka ng mga anak ay hindi na kasing dali ng dati ang mga bagay bagay.
Mas magiging responsible ka na dahil sa mayroon nang panibagong buhay na umaasa at dumedepende sa iyo. Mas madali sana ang pagpapalaki ng mga anak lalo na kung mayroon ka ring katuwang sa buhay.
Ngunit para sa ice buko vendor na ito ay hindi naging madali ang lahat lalo na at maaga siyang naging byudo. Sa kabila nito ay hindi siya tumigil na suportahan ang kaniyang mga anak sa mga pangangailangan nila lalong lalo na ang kanilang pag-aaral.
Napakahalaga ng edukasyon lalo na sa mga taong lumaki sa hirap ng buhay. Kung kaya naman para sa 59 na taong gulang na si Tatay Betring Andrade, isang ice buko vendor, ay wala siyang dapat sayangin na oras at panahon matupad lamang ang kaniyang pangarap na mapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang mga anak.
Sa ngayon nga ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo ang kaniyang anak kung kaya naman mas kinakailangan niyang maghanap-buhay. Kahit pa nga 20 kilometro ang kailangan niyang lakarin sa araw-araw maubos lamang ang kaniyang paninda sa paglalako ay talagang pinagsusumikapan niya.
Nasa halagang Php500-Php900 lamang ang kinikita niya sa loob ng isang linggo na siyang pinagkakasya nilang mag-anak sa lahat ng kanilang mga gastusin. Buti na lamang at mayroong magbuting-loob na tumulong kay Tatay Betring, ang vlogger ng Aklan na si Archie Hilario o mas nakilala ng publiko bilang si Pobreng Vlogger.
Nabibiyaan si Tatay ng mga groceries, tulong pinansiyal mula sa kaniyang mga tagasubaybay sa YouTube channel niya at iba pang mga pangangailangan niya para sa kaniyang pagtitinda ng ice buko. Sobra sobrang pasasalamat ang ipinaabot ng mag-ama sa vlogger na ito dahil sa wakas ay mayroon na rin silang pampagawa ng kanilang bubungan at kahit papaano ay karagdagang panggastos sa kanilang pang-araw araw.
0 Comments