Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang pinapasyalan ng maraming mga dayuhan. Talaga namang namamangha silang makita ang mga magagandang tanawin dito sa ating bansa.
Hindi na nakapagtatakang marami sa mga dayuhang turista na nakapasyal na sa bansa ang nagnanais na manirahan na dito at dito na magretiro. Maliban sa magagandang mga tanawin dito sa ating bansa ay marami ding mga hayop ang dito lamang makikita.
Ilan na sa mga ito ang Philippine eagle, Tamaraw, Giant-golden crowned flying fox, Visayan spotted deer, Visayan warty pig, Red-vented cockatoo, Philippine tarsier, Philippine warty pig at marami pang iba. Maliban sa mga endemic species ng hayop na ito ay marami ding mga kakaibang hayop na napapadpad sa bansa.
Isa na marahil dito ang namataang ibon sa isang pribadong nature reserve sa Tanay, Rizal. Talagang nakakamangha ang kagandahan ng naturang ibon.
Ang netizen na si Greg Enriquez ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng ibon na ito sa social media. Ang ibon pala na ito ay tinatawag na “hoopoe bird”. Kapansin-pansin na mayroon itong mahaba at matulis na tuka o “hornbill.”
Ika-5 araw ng Oktubre, ganap na alas-dos ng hapon nang mamataan ng empleyado ng park na si Nonoy Burce ang napakagandang ibon. Agad naman niya itong ipinaalam kay Greg na siyang kumuha ng ilang mga larawan nito.
Umani ng maraming mga komento ang post na ito sa mga netizens. Narito ang ilang mga reaksyon ng mga netizens patungkol sa namataang ibon:
“It is our responsibility to protect the natural world. I hope measures are put in place to protect the remaining wildlife so they can thrive again. We need to plant more trees, protect their natural habitat and put heavy penalties on poachers and those who harm the environment,” pahayag ng isang netizen.
“Such a beautiful creature. God’s creations are indeed amazing. Let us protect them and their natural habitat.” Komento naman ng isa pa.
“This is like seeing a polar bear in EDSA,” Turan naman ng isa.
0 Comments