Mayor Isko Moreno, May Maanghang na Mensahe Para kay VP Leni Robredo!




Nalalapit na ang eleksyon at kaliwa't kanan na ang mga balita patungkol sa mga kandidatong tatakbo sa Halalan 2022. Maingay ang mga tao lalo na sa social media pagdating sa mga nais nilang kandidato at partido. Kanya-kanya ang mga Pilipino kung sino ang nasi nilang suportahan at iboto. May maanghang namang naging pahayag ang isa sa mga tatakbo bilang presidente ng bansa para sa kanyang kalabån.




Pinuna ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapalit ni VP Leni Robredo ng 'kulay ng rebolusyon' mula sa dilaw na ngayon ay pink na. Nagbigay din ng komento si Moreno sa dahilan ni Robredo sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa. Matatandaan na nabanggit ni Robredo na siya ay tatakbo dahil hindi niya umano hahayaang makaupo sa pwesto ang isang Marcos.

"Ang away ng mga pamilyang yan walang dinulot na buti sa ating bayan. Sila ay tumatakbo para maghigantinsa isa’t isa. Sila ay tumatakbo dahil sa kulay ng kanilang pulitika."





"Pagod na ang mga tao sa away ng mga politika nila… Kung sila ay hindi nag-aaway sa loob ng tatlong dekada, malamang wala tayo sa kinalalagyan nating kahirapan.

Saad pa ng Mayor, hindi umano maaaring magsalita si Robredo patungkol sa hangad na pagkakaisa gayung nagawa niyang iwan ang dati niyang partido.

You cannot talk of unity when you yourself hindi mo nga ma-unify sarili mong party."


"You're not even proud of your party, kung kaya mong iwan ang mga kasama mo sa partido, paano pa kaya kaming 110 million na mga Filipinos?"



Si Francisco Domagoso (ipinanganak noong Oktubre 24, 1974), na kilala rin sa kanyang screen name na Isko Moreno, ay isang Pilipinong politiko at artista na naglilingkod bilang ika-22 Mayor ng Maynila mula pa noong 2019.

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo (ipinanganak na Maria Leonor Santo Tomas Gerona; Abril 23, 1965) ay isang abugado sa Pilipinas, politiko, at aktibista sa lipunan na ika-14 at nanunungkulang bise- presidente ng Pilipinas. Si Robredo ay asawa ng yuma0ng Interior Secretary na si Jesse Robredo. Nagsilbi siya bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur mula 2013 hanggang sa inagurasyon bilang bise presidente noong 2016.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments