Pulis, Tinulungang Makatawid ang Isang PWD at Binigyan pa ng Pera at Pagkain!




May ilan man sa ating mga kapulisan ang nakakagawa ng hindi maganda sa lipunan ay marami pa rin sa kanila ang mabubuti ang pus0 at handang tumulong at magproptekta sa mga tao. Layunin ng mga kapulisan ang maglingkod sa bayan at masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Hinangaan naman ng marami ang isang Pulis na may pus0ng-mamon na tumulong sa isang PWD o Person with Disability.




Nakuhanan ng larawan ang isang Pulis habang tinutulak ang lalaki na nakasakay sa wheelchair. Hindi lubos akalain ng matanda na may tutulong sa kanya at Pulis pa. Bukod sa tinulungan ng Pulis na makatawid ang matandang lalaki ay nag-abot pa ito ng pera bilang dagdag sa pang gastos ng matanda at pagkain.

Ang netizen na kumuha ng larawan ay kinilalang si Ronald Rodriguez at siya ang nakasaksi sa kabutihan ng Pulis.




Kuha ang larawan sa intersection ng Peñafrancia Ave. at Colgante Bridge ng Naga noong Setyembre ng gabi. Ang Pulis ay kinilalang si Police SSgt. Charito Gernale Dico na isang waray at kakadestino lamang sa Naga.

Kilala ang Pulis sa pagbibigay ng mga ayuda sa mga nangangailangan lalo na sa mga bata na naninirahan Brgy. Panoypoyan, Bula. Nagbibigay siya ng mga bigas at ito ay nanggagaling mismo sa kanyang bulsa.




Marami ang humanga sa kabutihan ni Sir Dico, at mmarami pa ang katulad niya na handang tumulong sa ating mga kababayan. Nawa ay ipapatuloy pa ng ating mga kapulisan ang pagbibigay ng tulong sa bayan.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments