Tayong mga Pilipino ay likas na mapagmahal, maunawain at matulungin. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang kahit gaano pa kahirap ang buhay ay palaging naririyan pa rin ang ating pamilya upang gumabay at sumuporta sa atin.
Mayroon din naman itong mga magaganda at masamang epekto sa atin. Isa na marahil sa magagandang epekto nito ay mas nagiging matatag pa tayo bilang isang pamilya at mas nagiging buo sa kabila ng mga pagsubok.
Ngunit mayroon din namang sitwasyon kung saan nakadepende na lamang ang mga magulang sa kanilang mga anak o di kaya naman ay ang mga anak ang nakadepende sa kanilang mga magulang. Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang magulat ang marami sa atin sa naging pribadong pagpapakasal ng longtime couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.
Marami ang labis na nasorpresa ngunit mas marami ang labis na natuwa dahil sa wakas ay kasal na ang dalawa. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na ang Mommy Divine ni Sarah mismo ang humahawak ng kaniyang kinikita mula pa nang magsimula siya sa kaniyang karera halos dalawang dekada na rin ang nakalilipas.
Nagkaroon man ng kaunting tampuhan ang mag-ina ay naniniwala pa rin ang mag-asawa na darating din ang tamang panahon at magkakaayos din ang kanilang mga pamilya. Sa ngayon ay masayang masaya ang dalawa sa kanilang buhay may-asawa.
Naibahagi nga ng sikat na mang-aawit na hindi naging madali para sa kaniya ang humawak ng sarili niyang pananalapi ngunit laking pasasalamat niya rin sa suporta at gabay ng kaniyang mister. Sa ngayon ay unti-unti na niyang natutunan ang pagba-budget at pag-iinvest.
Nagpasalamat din naman si Sarah sa pambihirang pag-aalaga ng kaniyang mga magulang sa kanilang magkakapatid lalo na ang kaniyang ina na wala ring ibang hinangad kundi ang ikabubuti nila at ng kanilang buong pamilya. Sa ngayon ay mas prayoridad daw ni Sarah ang kaniyang asawa at ang pamilyang kanilang sinisimulang buuin.
0 Comments