Venice Canal sa Pinas patok na patok sa maraming mga Pilipino!




Dahil sa ilang buwang pandemya na nararanasan ng maraming mga bansa sa buong mundo, hindi na nakapagtatakang manabik ang mga taong mamasyal at makakita ng magagandang mga tanawin. Maraming mga bansa ang talagang naapektuhan ang turismo dahil sa sitwasyong ito dahil sa hindi maaaring bumiyahe at magtipon-tipon ang mga tao sa iisang lugar upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.



Ilang mga Pilipino na rin ang tila ba nasasanay na sa bagong pamamaraan ng ating pamumuhay sa ngayon. Hindi man ito kasing dali at kasing simple tulad ng dati ay nagsusumikap ang lahat sa atin na makabangon.

Umaasang kahit papaano ay babalik din ang dati nating mga buhay, mga negosyo at mga nakagawian. Isa na sa pinakahihintay ng marami sa atin ay maging ligtas na muli ang pamamasyal.



Masarap din kasi sa pakiramdam na kahit papaano, sa kabila ng stress, hirap at pagod na nararanasan natin sa araw-araw ay makaranas din naman tayo ng totoong pahinga. Pahinga na makakamtan lamang natin kung makakakita tayo ng magagandang mga tanawin, makakalangoy sa dagat at makakalanghap ng sariwang hangin.


Marami sa atin ang sabik na sabik nang maranasan ito, ngunit lingid sa kaalaman ng marami sa atin ay tila araw-araw nasa isang sikat na “tourist destination” ang mga residenteng ito sa Sitangkai, Tawi-Tawi. Mayroon kasi sila roong mala-Venice Canal na lugar kung saan maaari kang magtampisaw sa malinis at malamig na tubig.



Kamakailan lamang ibinahagi ng GMA News ang ilang mga larawan dito kug saan makikita ang animo’y mahaba at malalang baha sa isang nayon ngunit mayroong iilang mga tao ang masayang nagtatampisaw roon. Ayon pa sa ilang mga ulat, araw man o gabi ay dito na nagsisiligo at nagsisilusong ang mga kabataan sa tinaguriang “Venice Canal of the South” sa Tawi-Tawi.




Ito ay matatagpuan sa Barangay Datu Baguinda Putih. Ayon pa sa ilang mga ulat ay dito mismo nagaganap ang ilang mga kalakalan at “tourist destination” para sa mga lokal at dayuhang turista.





Post a Comment

0 Comments