Marami sa mga kabataan ang nangangarap na makatapos ng pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Ngunit, may ilan na kahit na may edad na ay nagpapatuloy pa rin sa pag-aaral. Sabi nga nila, ang edukasyon ay isang bagay na hindi mananakåw ninuman. Isang achievement din ang makakuha ng diploma na pinaghiråpan ng ilan taon sa pag-aaral.
Kamakailan lamang nang mag-viral ang graduation picture ni Lola Josephine Amante Villatema, 63-anyos. Pinatunayan ni Lola Josephine na walang pinipiling edad ang edukasyon nang makapagtapos siya sa junior highschool sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS sa Timoteo Policarpio Memorial School sa Norzagaray, Bulacan. Dahil sa kahiråpan na naranasan noon ni Lola Joephine ay hindi siya nakatuntong ng highschool. Kaya naman, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ngayong kaya na niya at kaya pa niya.
Sa kabila ng edad ni Lola Josephine ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang ipinangako niya sa kanyang mga magulang na makakapagtapos siya ng highschool at makakatanggap ng diploma.

Source: Noypi Ako
0 Comments