Anak, Binuhat Ang Ama Habang Nasusun0g ang Kanilang Bahay!




Kung titimbangin, mas mahalaga ang buhay ng ating mahal sa buhay kaysa sa materyal na bagay dahil ang bagay maaaring magkaroon ka ulit dahil puwede kang bumili ngunit ang buhay, ay hindi na maaring ibalik. Ito ang pinatunayan ng isang anak habang nasusun0g ang kanilang tahanan dahil mas pinili niyang iligtas ang kanyang ama kaysa ilikas ang mga gamit nilang nasa bahay.




Nag-viral ang larawan ng lalaking ito nang kargahin niya ang ama na may edad na. Walang suot na tsinelas ang kanyang ama at nahihirapan na rin itong tumakbo kaya naman binuhat na lamang niya ito.

"Okay lang mawala ang mga gamit namin, mabibili pa yun. Ang papa ko isa lang, kapag nawala papa ko di ko na maibabalik," ani ng anak na nagpatunay ng tunay at purong pagmamahal para sa kanyang ama kahit pa wala na siyang naisalbang gamit.




Ito ay lubos na kinaantigan ng mga netizens dahil nanaig sa anak ang pagmamahal niya sa kanyang ama. Napakahiråp mawalan ng tahanan, at mga mahahalagang gamit ngunit mas mahiråp at mas masåkit kapag nawala ang taong pinakamamahal natin.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments