Mag-asawa napalago ang Php2,000 nilang kapital at ngayon ay kumikita na ng halos Php2,000,000!





Hinangaan ng maramaing mga netizens ang kwento na ibinahagi ng mag-asawa ito sa Facebook page na CFO Peso Sense. Nais nilang magbigay din ng inspirasyon sa maraming mga Pilipino kung kaya naman isinapubliko nila ang kanilang kwento ngunit hindi ang kanilang mga tunay na pangalan o pagkakakilanlan.



Nagsimulang magnegosyo ang mag-asawa halos limang taon na rin ang nakalilipas. Nakahiram sila ng Php5,000 sa ama ng misis. Nagtinda sila ng mga RTW o “Ready-To-Wear” na binibili nila sa Maynila.

Gamit lamang ang kanilang motorsiklo ay talagang hindi sila napapagod na bumiyahe makabili lamang ng kanilang mga ititinda. Talaga namang maraming mga pagsubok at sakripisyo din silang dinanas bago maging matagumpay ang una nilang negosyo.




Labis ding napagod at na-stress ang misis kung kaya naman nalaglag ang kaniyang ipinagbubuntis noon. Taong 2018 ay nagdesisyon silang magbenta naman ng mga “cellphone”.
Nakaipon na sila ng sapat na perang pangsimula nila sa kanilang cellphone shop mula sa kanilang RTW business. Unti-unti na ngang lumaki ang kanilang negosyo.






Masaya na silang makabenta ng isa hanggang sa dalawang mga cellphone sa loob ng isang araw ngunit kung minsan pa nga ay labis silang pinapalad at nakapagbebenta pa sila ng lima. Nang isilang ng misis ang panganay nilang anak ay nagbitiw na sa kaniyang trabaho ang mister upang mapagtuunan ng pansin ang kanilang lumalagong negosyo.




Nagpatuloy nga ang kanilang kumikitang kabuhayan hanggang dumating ang pandemya at talagang naapektuhan ng husto ang kanilang cellphone shop. Ngunit hindi nila inaasahan na maglulunsad ng “distance learning” ang Department of Education (DepEd) ngayong taon.

Dahilan upang mas dumami pa ang mga taong nangangailangan ng mga smartphones at mga tablets. Mula sa isa, dalawa at limang mga benta ng cellphone sa bawat araw ay daan daang cellphone na ang kanilang naibebenta.

Nakapagbigay na nga din sila ng Php700,000 para sa kanilang ama na nagpahiram sa kanila ng pera noong nagsisimula pa lamang sila. Mayroon na rin sila ngayong magandang sasakyan para sa kanilang pamilya. Nakakabilib hindi ba?





Post a Comment

0 Comments