Pampasaherong dyip na ginawang “bridal car”, patok ngayon sa publiko!





Ang pagpapakasal ay isang beses lamang kung mangyari sa buhay ng isang babae kung kaya naman lahat ng maaaring gawing paghahanda ay talaga namang inilalatag na upang maging napakaganda ng karanasang ito. Upang hindi malimutan ng “bride” ang kaniyang napakaespesyal na araw, madalas ay talagang pinaghahandaan ng husto ang kaniyang “bridal gown”, “bouquet”, at maging ang kaniyang magiging sasakyan o “bridal car”.



Nitong mga nagdaang taon ay marami na ring mga magkasintahan ang nagiging mas praktikal pagdating sa kanilang pagpapakasal. Sa halip na magarbong kasalan ay “intimate wedding” na lamang ang kanilang ginagawa.

Mas nais kasi nilang paglaanan ng kanilang pera ang kanilang bahay na uuwian nila matapos ang kasal o di kaya naman ay itatabi na lamang nila ang sobrang pera upang mayroon silang madudukot sa oras ng kanilang pangangailan sa hinaharap. Maaari din nilang magamit ang pera na kanilang matitipid para sa pinaplano nilang pamilya lalo na kapag nagkaroon na sila ng anak.




Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang nakakabilib na ideya ng “bridal car” na ito dahil sa halip na kotse ay pampasaherong dyip ang sinakyan ng isang bride na ito. Ang dyip na ito ay pumapasada pala sa Unibersidad ng Pilipinas at sa Quezon City.



Ang may-ari at drayber ng dyip na ito ay walang iba kundi si James Abao na naninirahan din sa Quezon City. Ibinahagi niya na naging napakalaking tulong sa kaniya nang naging pagrentang ito ng kaniyang dyip lalo na sa panahon ngayon ng pandemya na hirap talagang makakuha ng mga pasahero ang mga drayber ng dyip.




Gayundin naman ay naging napakagandang karanasan nito sa bride na si Sharmaine Jo G. Arellano-Vidal dahil sa noong nag-aaral pa siya ay dito na talaga siya sumasakay papunta at pauwi galing eskwela. Masayang masaya din si Sharmaine dahil sa naging napakaganda ng pagkakadisenyo ng kaniyang mama sa kaniyang “bridal jeepney”.





Post a Comment

0 Comments