Bilang isang babae, limitado nga ba ang iyong kakayahan lalo na sa pag-abot ng iyong mga pangarap sa buhay? Marahil ay hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang diskriminasyon na naranasan noon ng mga kababaihan at marami silang mga bagay na hindi maaaring gawin.
Noon, ang mga kababaihan ay inaasahan lamang na maging isang ina at isang asawa. Sa kanilang tahanan at sa pag-aalaga lamang sa kanilang pamilya sila dapat maging abala at wala nang iba pa.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay mas marami pang mga karapatan ang natanggap ng mga kababaihan. Mas nabigyan sila ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na nais talaga nilang makamit sa buhay.
Ang mga kababaihan ay hindi na lamang ina lang or asawa lang sa kanilang pamilya. Mas maraming mga kababaihan ang naging matagumpay sa iba’t-ibang larangan at industriya.
Marahil isa na sa pinakamatagumpay ngayon ay si Winwyn Marquez. Ang 28 taong gulang na si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas nakilala ng publiko bilang si Winwyn Marquez ay isang aktres, modelo, dancer, beauty queen at isa na ngayong “marine reservist”.
Siya ang kauna-unahang kinoronahan bilang “Reina Hispanoamericana Filipinas” sa ginanap na Miss World Philippines 2017. Siya rin ang nag-uwi ng korona sa ginanap na “Reina Hispanoamericana 2017” sa Santa Cruz, Bolivia.
Kamakailan lamang ay talagang labis pa siyang hinangaan ng publiko dahil sa pagiging “Marine reservist” niya ng Philippine Naval Reserve Command. Ayon sa ilang mga ulat ay naging presidente siya ng kanilang batch at naging Top 1 sa kanilang klase at sa “physical fitness ranking”.
Ayon kay Winwyn, hindi naging madali ang kanilang pagsasanay hindi lamang dahil sa hirap nito kundi dahil na rin sa pandemyang kinahaharap na ating bansa hanggang sa ngayon. Ngunit sa kabila nito ay labis siyang nagpapasalamat sa naging napakaganda niyang karanasan sa naging pagsasanay niyang ito.
Hindi siya itinuring na isang artista o beauty queen dito bagkus ay naging pantay pantay sila at talaga namang nagturingan bilang tunay na magkakapatid. Masayang masaya din siya dahil sa adbokasiya niya talaga ang pagbibigay inspirasyon sa mga kapwa niya Pilipina.
0 Comments